STTH #16

47 3 0
                                    

"Alam mo, palagi kong naiisip dati kung kailan o may pag-asa pa bang makaranas ako ng ganito." Masayang kwento ni Sana habang abala pa rin sa pagkain.

"Makaranas ng ano?" Naguguluhang tanong ni Dahyun na kanina pa tapos kumain.

"Lahat 'to. Makaranas kumain na para bang tulad ng normal na tao."

"Oh, so ibig mong sabihin hindi ka normal na tao? Ay, bakit ko pa ba tinatanong? Halata naman eh."

"Halatang ano?!" Gulat at kabadong tanong ni Sana sabay hawak sa tinidor para itutok kay Dahyun.

"Woah! Sasaksakin mo ba ako ng tinidor? Ibaba mo nga 'yan!" Gulat ring reaksyon ni Dahyun sa kanya. Sino ba naman kasing hindi kakabahan kapag bigla ka na lang ambahan ng saksak gamit ang tinidor?

"Sabihin mo muna kung anong ibig mong sabihin na halata mong hindi ako normal na tao? Anong nalalaman mo ha?!"

"Kumalma ka nga. Nagbiro lang naman ako. Well, kalahating biro siguro. Ang lakas ng loob mong ambaan ako ng tinidor, matapos kitang tulungan?"

"Sasabihin mo o..."

"Sige na, wala naman akong ibang ibig sabihin kundi nagagaraan ako sayo. Kakaiba kasi ang mga ikinikilos mo simula noong una tayong magkita. Isa pang dahilan, hindi normal na tutukan mo ng tinidor ang nagpakain sayo o kasabay mong kumain. Ayos ka na? Malinaw na ba sayo?" Asar na paliwanag ni Dahyun dahilan para tuluyang ibaba ni Sana ang tinidor na hawak niya.

"Akala ko naman alam mo na kung sino talaga ako."

"Ha? Wala naman akong pakialam kung sino ka talaga. Diba nga aalis ka na mamaya, naalala mo?"

"Huwag mo na akong paalisin dito, Dahyun. Pangako, hindi ako gagawa ng gulo o kahit na anong ikagagalit mo."

"Nangako ka talaga ng ganyan matapos mo akong tutukan ng tinidor sa mukha? Dahil sa ginawa mo kanina, mas lalo lang akong nakumbinsi na kailangan mo na talagang umalis sa pamamahay ko. Mamaya niyan, tuluyan mo pa ako eh."

"Hindi ko sinasadya yung nangyari kanina. Nabigla lang talaga ako."

"Buo na ang desisyon ko kanina pa. Bilisan mo na dyan kumain. Mag-aayos lang ako. Dapat paglabas ko, handa ka nang umalis." Sambit ni Dahyun bago tuluyang maghanda ng sarili.

Naiwan sa pwesto si Sana na nag-aalala pa rin kung ano bang mangyayari sa kanya.

"Saan naman ako tutuloy? Isa pa, tatagal kaya ako doon? Sigurado akong susumpungin na naman ako ng bwisit na pana sa puso ko. Bakit pa kasi ako pumayag sa kagustuhan ni Momo? Aish!"

Makalipas ang isang oras, naabutan ni Dahyun na nakaupo sa isang tabi si Sana.

"Handa ka na bang umalis?"

"Hindi pa"

"Tara na. Handa ka man o hindi, aalis ka na. Tumayo ka na diyan bago kita kaladkarin." Babala ni Dahyun kaya wala nang nagawa si Sana kundi sumunod sa kanya palabas.

"Dahyun" Hindi ata narinig ni Dahyun ang pagtawag niya.

"Dahyun!" Ulit niya ngunit hindi pa rin ito lumilingon.

"DAHYUN!" Sandaling napahinto si Dahyun sa paglalakad upang lingunin siya nang may inis sa mukha.

"Bakit ka ba sigaw nang sigaw?"

"Hindi mo ba talaga ako naririnig? Tinatawag kaya kita."

"Naririnig kita. Ayaw ko lang na kausapin ka. Okay?" Sagot ni Dahyun sabay lakad ulit kaya naman tuluyang napatikhom-kamao si Sana.

"Dahyun" Dali-dali siyang tumakbo upang humarang sa harapan nito.

"Ano na naman 'yon? Hanggang sa huling pagkakataon ba, iinisin mo pa rin ako? Isa pa, paano mo ba nalaman ang pangalan mo? Secret agent ka ba?"

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon