STTH #2

451 23 2
                                    

Sa paglilibot ng dalawa sa paligid ng gubat papuntang bayan, hindi maiwasang mapaisip ni Sana.

Pumasok sa kanyang isipan ang katanungang "Ano nga kaya ang patutunguhan ko sa oras na matapos na ang aking misyon? Meron din bang nakalaan na karapat-dapat para sakin? May pag-asa bang maranasan ko ang buhay ng mga tao? Kailan kaya matatapos 'to?"

"Sandali!" Muntik nang tumama sa isang puno si Sana habang lumilipad nang marinig niyang magsalita si Momo.

"Ano ba 'yon? Bakit huminto ka?!" Inis na tanong niya sa kaibigan.

"Sana! Nandito siya!" Hindi maintindihan ni Sana kung ano ba ang pinagsasabi ng kaibigan na halatang halos mataranta.

"Sino? Ano?!"

"Siya! Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit may takip 'yung bibig niya, sigurado kong siya 'yon." Agad na inituro ni Momo mula sa di kalayuan ang isang taong naglalakad kasama ng kanyang mga kaibigan.

"Sino ba 'yon?" Nakapamewang na tanong ni Sana sa kaibigan.

"Sino ba 'yon?" Nakapamewang na tanong ni Sana sa kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sino pa? Eh di yung matagal ko nang ikinukwento sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sino pa? Eh di yung matagal ko nang ikinukwento sayo. Siya 'yon eh. Nandito siya. Hindi ako makapaniwala." Kinikilig na paliwanag ni Momo sa kanya.

"Ibig sabihin siya yung palaging bukangbibig mo sa tuwing babalik ka galing sa bayan? Siya yung kinababaliwan mo?"

"Oo. Siya 'yon. Grabe. Anong ginagawa niya dito? Baka nandito siya para sakin. Hala!" Napahinga na lang si Sana nang malalim dahil sa kung ano-anong imahinasyon ang nabubuo sa utak ng kaibigan.

"Momo, magtigil ka nga. Tao 'yan, cupid tayo. Magkaiba yung buhay na meron kayo. Huwag mong sabihin patuloy ka paring aasa na balang araw magiging kayo? Tsk. Malay mo nga isa 'yan sa nakalista sa listahan o listahan mo eh." Naiiritang sagot ni Sana kay Momo na patuloy sa pagtitig sa taong kanilang nakita.

"Masama bang umasa? Gustong-gusto ko talaga siya."

"Hindi lang pala ako 'tong matigas ang ulo. Ikaw rin pala. Kala mo pang napakamasunurin mo kanina nang sinesermonan mo ko. Tsk. Momo talaga. Alam mo ---- halika na. Umalis na tayo. Gawin na natin ang misyon natin." Pilit na niyakag ni Sana ang kaibigang hindi parin kumikilos sa pwesto.

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon