"Sigurado ka bang hindi ka pagagalitan ng Lola mo?" Tanong ng mga kaibigan ni Dahyun habang naglalakad sila sa kagubatan.
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang pagagalitan." Napapangising sagot ni Dahyun sa mga kaibigan na sina Chaeyoung, Mina, Jeongyeon at Nayeon.
"Eh anong ginagawa natin dito ngayon sa gubat? Pagagalitan ka na naman pala." Nag-aalalang sabi ni Mina.
"Ang punto ko, pagagalitan parin naman ako kahit na anong gawin ko ngayon. So, bakit hindi ko sulitin?"
"At dito mo pa talaga sa gubat naisipang magtago mula sa lola mo?"
"Pagkakataon na rin natin 'to para magcamping." Excited na sagot ni Dahyun sa mga kaibigang halos pagpawisan na sa pag-aalala sa mga bagay na maaaring mangyari.
"Dahyun, minsan naiisip ko na baka mag-ampon na lang ang Lola mo ng ibang apo para maging tagapagmana ng kompanya niyo." Natigilan si Dahyun sa sinabi ni Jeongyeon.
"Huh? Bakit naman? Hindi pa ba ko sapat? Ipagpapalit ba ni Lola ang isang katulad ko?" Proud na sambit ni Dahyun sabay wink pa sa mga kaibigan.
"Paano naman kasi, palagi ka na lang nagpapawasay sa lola mo. Di ka ba natatakot na mawalan ng mamanahin? Palagi mong pinag-aalala ang lola mo."
"Tsk. Paano niyo naman nasabing palagi akong nagpapasaway?" Nakapamewang na tanong niya sa mga kaibigan.
"Last week, nagcutting ka." Panimula ni Nayeon.
"Kahapon, inilibre mo kami ng kung ano-ano sa mall na pagmamay-ari ng Lola mo." Sagot naman ni Mina.
"Eh, bakit? Ako naman nanlibre sa inyo ah." Depensa niya sa mga kasama.
"Anong ikaw? Eh halos takutin mo nga lahat ng empleyado sa mall niyo na kapag hindi sinunod ang gusto mo, patatalsikin mo sila sa pwesto." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Uhm. O--Okay. Pero pagmamay-ari naman namin yung mall na 'yon. May masama ba sa sinabi ko?"
"Pagmamay-ari nga 'yun ng Lola mo pero kailangan mo paring irespeto yung mga empleyado don. Minsan kasi sumosobra ka na sa kilos mo." Paliwanag ni Jeongyeon dahilan para mapakunot-noo si Dahyun.
"Okay. Fine. Tapos na 'yon. Nangyari na 'yon. Move on na tayong lahat. Ang mahalaga ngayon, mag-enjoy tayo sa camping natin dito. That's it. Tuloy ang lakad para maghanap ng magandang spot para sa pagkacamping-an natin." Napailing na lamang ang mga kaibigan niya dahil parang pumasok at lumabas lamang sa magkabilang tenga niya ang mga payo nila.
Sa buong tropa, si Dahyun ang masasabing may pinakamatigas na ulo. Lumaking ulila sa parehong magulang. Tanging Lola na lamang niya ang kasama niya sa buhay. Dahil kaisa-isang apo, ibinibigay ng kanyang Lola ang lahat ng naisin niya kung kaya't lumaki siyang nakukuha nang madalian ang mga bagay na gustuhin niya.
Masasabing may mayaman na pamumuhay si Dahyun dahil siya lang naman ang kaisa-isang tagapagmana ng "Kim's Mall" na isa sa pinakamaunlad na mall sa bansa.
Naisipang magcamping ni Dahyun sa kagubatan kasama ng mga kaibigan dahil muli na naman silang nagtalo ng kanyang Lola kahapon. Umalis na muna siya ng mansion upang lumayo at ito ang naisip niya. Ang magsaya muna kasama ng mga kaibigan niyang hindi siya iniwanang mag-isa. High school palang ay magkakasama na sila, hindi parin sila mapaghiwalay ngayong nasa college na sila.
Nang makahanap ng maayos na pwesto, iniayos na nila ang mga tent at iba pang gamit na kakailanganin.
"Ako nang bahala gumawa ng apoy." Sambit ni Chaeyoung.
"Kami naman ni Nayeon sa tent." Sabi naman ni Jeongyeon.
Habang abala ang mga kaibigan, naisipang maglakad-lakad ni Dahyun sa paligid. Pumasok sa isipan niya ang katanungang "Kailan kaya matatapos si Lola sa kakasermon sakin?"
Para kay Dahyun, gusto lamang niyang i-enjoy ang buhay niya o kung ano mang maisipan niya pero palagi na lamang may napapansing hindi maganda ang kanyang Lola sa mga ginagawa niya sa buhay.
Habang nagmumuni-muni, may kakaiba siyang narararamdaman. Tila ba parang may nagmamasid sa kanila.
"Dahyun!" Ikinagulat ni Dahyun ang biglaang pagyakap sa kanya ng kaibigang si Mina.
"Woah. What's wrong, Mina? Ginulat mo ko!"
"Ang cute mo talaga, Dahyun." Nakangiting sabi ni Mina sabay pisil sa magkabilang pisnge niya.
"Yaaaaaah! Stop it, Mina!" Nang makawala kay Mina, napakunot-noo na lamang siya.
"Oh. Bakit ang sungit mo na naman?"
"Para ka kasing ewan."
"Mainit na naman ba ang ulo mo dahil sa Lola mo?"
"Ano ba sa tingin mo?!"
"Don't worry, nandito naman ako para damayan ka. Alam mo namang love na love kita eh." Ini-link arms ni Mina ang magkabilang braso sa leeg niya kung kaya't napatitig na lamang siya dito.
"What the hell, Mina?!" Agad na napaagwat si Dahyun kay Mina nang akma siya nitong hahalikan.
"What's wrong, Dahyun?"
"You're about to kiss me. What the hell are you thinking?!"
"Alam mo kung ano 'yung nararamdaman ko para sayo, diba? Obvious naman eh. I like you, Dahyun."
"Fvck. How many times do I have to tell you? You're my friend. Just a friend." Seryosong sagot ni Dahyun bago tuluyang bumalik sa kanilang pwesto.
Napahikbi na lamang si Mina habang nakatayo sa kanyang pwesto dahil sa katotohanang kaibigan lamang ang tingin sa kanya ni Dahyun.
"Buti nga sayo!" Nagulat si Mina nang makarinig nang boses nang kung sino. Kinabahan siya dahil wala namang ibang tao sa paligid.
"Omg! Sino 'yon?" Dahil sa takot, agad na siyang sumunod kay Dahyun pabalik sa pwesto nila.
Ang hindi nila nalalaman ay, abala na pala si Momo sa pagmamasid sa kanila.
"Walanghiyang Mina 'yon. Sinasabi ko na nga ba eh. Balak pang umisa kay Dahyun. Buti nga sa kanya. Tsk. Kala niya ah?!" Nanggigigil na sambit ni Momo habang pinagmamasdan si Dahyun sa di kalayuan.
- To Be Continued -
A/N: Sana nagustuhan niyo kahit maiksi lang ang chapter na 'to. Lalaki sina Dahyun, Jeongyeon at Chaeyoung dito ah. Balakayojan. Di niyo ko mapipigilan hahahaha.
Panoodin niyo yung TWICE Yes or Yes Album Version B Unboxing ko sa yt. Charot. Nakaprivate 'yon sa ngayon lol.
Vote.Comment.Share

BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...