STTH #9

274 13 3
                                    

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Nakakunot-noong tanong ni Dahyun kay Sana na patuloy paring sumusunod sa kanya sa pagalis niya sa kagubatan upang bumalik sa bayan.

"Hindi." Seryosong sagot ni Sana dahilan para mas mag-init ang ulo ni Dahyun.

"Miss, takas ka ba sa mental?"

"Hindi. Dito ko nakatira sa kagubatan."

"Nevermind. Bahala ka na diyan. Kailangan ko nang umalis."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Sana bago bilisan pa ang paglalakad upang makasabay kay Dahyun.

"Pinagtitripan mo ba ko? Prank ba 'to? Sige na. Ilabas niyo na yung mga camera. Kasabwat ka ba nila Jeongyeon dito?"

"Ano bang sinasabi mo? Prank? Camera? Sinong Jeongyeon? Isa ba yun sa kasama mong magcamping dito sa kagubatan?" Nagulat si Dahyun sa sinabi ni Sana.

Napaisip siya kung bakit alam ni Sana na may mga nakasama siyang magcamping.

"Paano mo nalaman na nagcamping ako dito? Paano mo nalaman na may mga naging kasama ko dito? Sandali. Sinusundan mo na ba ko noong umpisa palang?!" Badtrip na tanong ni Dahyun.

"Uhm. Hindi naman sa ganun. Ah---nasa gubat ka kasi alangan namang magswimming kayo dito kaya pumasok agad sa isipan kong camping ang pinunta niyo dito." Palusot ni Sana upang hindi siya mabuko.

"Talaga lang ah? Alam mo --- ang weird mo. Hindi mo alam kung ano yung prank pero alam mo yung term na swimming. May nararamdaman akong kakaiba sayo eh." Inusisa pang maigi ni Dahyun ang itsura ni Sana.

"May nararamdaman ka na rin para sakin? Mahal mo na rin ako?"

"Damn! Sinasabi mo?!"

"Sabihin mo, Dahyun. Mahal mo na rin ba ako? Pakiusap, kailangan kong malaman para matapos na ang parusang 'to."

"At bakit naman kita mamahalin? Tsk. Hindi kita mahal. Ni hindi nga kita kaano-ano o kakilala eh. Hindi rin naman tayo magkaibigan."

"Eh di kilalanin natin ang isa't-isa." Naeexcite na sagot ni Sana sabay linked arms kay Dahyun na agad namang namula sa biglaang paglapit ni Sana sa kanya.

"Ah--Eh--layuan mo nga ko. Bwisit ka!" Agad na lumayo si Dahyun kay Sana na napanguso na lamang.

"Bakit ba ayaw mo sakin? Hindi ba ko maganda?" Aminado si Sana na sa isip-isip niya ay parang nasusuka na siya sa mga pinagsasabi niya kay Dahyun.

Ngunit anong magagawa niya? May parte sa kanya na nagsasabing kailangan niyang gawin ang makakaya niya upang makawala sa gulong pinasok niya. At kasama na rin dito ang epekto sa kanya ng nararamdaman niyang pagmamahal kay Dahyun na dapat ay hindi naman niya maramdaman.

"Kumikirot tuloy nang kaunti yung puso ko dahil sayo!" Malungkot na sagot ni Sana sabay pamewang pa.

"At bakit naman naging kasalanan ko?!"

"Kasi sinabi mong hindi mo ko mahal. Nakakainis ka!"

"Kung naiinis ka sakin, eh di umalis ka na. Sira-ulo 'to. Diyan ka na nga."

"Naiinis talaga ako sayo pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi mahal parin kita kahit ganyan ka."

"Para akong masusuka sa mga sinasabi mo, Miss. Kailangan ko na talagang umalis. Kung dito ka man talaga nakatira sa kagubatan, umuwi ka na sa bahay mo. Kung takas ka sa mental, binabati kita. Nakatakas ka rin sa wakas." Muling binitbit ni Dahyun ang kanyang gamit upang tuluyan nang makaalis ngunit hindi nagpatinag si Sana sa kanya.

Tumuloy parin ito sa pagsunod sa kanya hanggang sa marating nila ang tabing kalsada.

"Badtrip! Walang signal dito!" Nasabi na lamang ni Dahyun habang hawak ang phone niya. Balak sana niyang tawagan o itext sila Jeongyeon upang magpasundo ngunit hindi siya makasagap ng signal para dito.

"Cellphone ang tawag sa bagay na 'yan, diba? Palagi kong nakikita ang mga tao sa bayan na may ganyan. Halos lahat may ganyan eh. Wala akong ganyan. Ano bang nagagawa niyan?"

"Seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo? Mas nagiging kahina-hinala ka na talaga. At isa pa, balak mo ba talagang sumunod sakin? Nakakainis na kasi talaga."

"Oo, seryoso ako. Ni isang beses hindi ako nagkaganyan. Susunod ako kahit saan ka magpunta. Huwag kang mag-alala."

"Parang gusto na kitang ipapulis."

"Diba yun yung mga humuhuli sa masasamang tao? Huwag kang mag-alala, hindi naman ako masamang tao. Gusto lang talaga kitang makasama kaya hindi nila ako huhulihin." Nakangiti pang sagot ni Sana.

"Inosente ka lang ba talaga o sadyang mahina ang utak mo?" Napapaisip na tanong ni Dahyun habang pinagmamasdan si Sana simula ulo hanggang paa.

Hindi maiwasang mapansin ni Dahyun ang pananamit ni Sana. Nakasuot lamang ng puting bistida't medyo gulo-gulo pa ang ayos ng buhok. Walang cellphone. Nakatira umano sa kagubatan.

"Aalis na ko. Maiiwan ka dito't hindi mo na ko guguluhin pa."

"Pero ---" Hindi na natapos ni Sana ang sasabihin nang may dumaang taxi na siya namang sinakyan kaagad ni Dahyun.

"Manong, sa bayan lang po. Bilisan niyo po." Sabi ni Dahyun sa driver.

"Hindi niyo po ba kasama ang babaeng 'yun?"

"Hindi po. Pakibilisan na po." Napatango na lamang ang driver bago paandarin ang taxi paalis.

Napalingon na lamang si Dahyun kay Sana na naiwang nakatayo sa kanyang pwesto. Sa isip ni Dahyun, tama lamang na umalis na siya kaysa naman problemahin pa niya ang nakilala niyang baliw na babaeng 'yun.

"Saan kaya ang punta ng babaeng 'yun? Delikado pa namang magpagala-gala sa kagubatan lalo pa kung abutin ng gabi." Rinig ni Dahyun na sabi ng driver.

Pilit na pinipigilan ni Dahyun ang namumuong konsensya niya. Pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi naman niya responsibilidad ang babaeng 'yun ngunit patuloy sa pagpasok sa isipan niya ang imahinasyon kung saan napapahamak ang babaeng nangungulit sa kanya.

"Manong, sandali!"

"Po?"

"Balik po tayo."

"Bakit po?"

"Basta bumalik po muna tayo." Agad namang tumango ang driver bago bumalik sa kinaroroonan ni Sana.

Napahawak na lamang si Dahyun sa kanyang ulo dahil muli na namang nanalo ang kanyang konsensya.

Nang makabalik, hindi siya makapaniwalang nananatili paring nakatayo sa pwesto si Sana.

"Dahyun?" Ikinagulat ni Sana ang biglaang pagbukas ng pinto ng taxi.

"Sumakay ka na!"

"Ta--Talaga?"

"Kung ayaw mo, eh di hu---" Bago pa maisarado ni Dahyun ang pinto, kumilos na si Sana upang tumabi sa kanya sa loob.

Kitang-kita sa ngiti ni Sana na masaya siyang binalikan siya ni Dahyun. At kitang-kita rin sa mukha ni Dahyun ang sobrang pag-aalala sa nagawa niyang desisyong isama na si Sana kung saan mas ligtas siya.

- To be Continued -

Vote.Comment.Share

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon