Agad ring inilapag ni Dahyun sa lamesa ang mga pinamiling pagkain para sa kanilang dalawa ni Sana.
"O---Okay ka na ba?" Tanong niya nang makitang tahimik na lamang na nakaupo sa isang tabi si Sana habang nakatingin sa kanya.
"Dahil nandito ka na sa tabi ko, masasabi kong oo." May namuong ngiti sa labi niya kung kaya't napatango na lamang si Dahyun bago asikasuhin ang mga platong gagamitin nila sa kanilang pagkain.
"Uhm---Dahyun."
"Oh?" Tanong ni Dahyun habang abala sa pagaayos ng pagkain sa lamesa.
"Pwedeng magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga eh. Ano ba yon?"
"Pwede mo bang sabihin sakin kapag aalis ka?" Napahinto si Dahyun sa kanyang narinig.
"Seryoso? At bakit naman? Ano ko? Alila mo? Tsk. Ayoko nga."
"Pakiusap."
"Sinabi nang ayoko." Ni hindi nag-abalang lumingon si Dahyun sa kanya kung kaya't nakaramdam ng lubusang pag-aalala si Sana.
Paano niya magagawang tapusin ang ibang bagay na mas mahirap pa sa pagkumbinsi kay Dahyun kung ngayon palang ay hindi na niya mapagtagumpayan?
Pasuko na sana siya ngunit biglang nagnumbalik sa isipan niya ang kaibigang si Momo. Kung si Momo nga hindi sumuko, siya pa kaya? Hindi siya pwedeng sumuko na lamang nang basta. Kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya.
"Pakiusap." Muling pagkumbinsi niya kay Dahyun. Hindi siya maaaring pumalpak. Kailangan niyang manatiling buhay.
"Sinabi nang a----" Hindi na naituloy ni Dahyun ang sasabihin nang mapalingon siya kay Sana na halatang halos maluha na sa sobrang pag-aalala.
"San--Sandali. May problema ba? Bakit umiiyak ka?" Napakunot-noong tanong ni Dahyun sabay lapit kay Sana.
"Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi kailangan. Sadyang wala lang akong ibang pagpipilian. Alam kong naguguluhan ka sa mga ikinikilos ko pero maniwala ka man o hindi, hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko para sayo. Hindi tama 'to. Ngayon, nakikiusap ako sayo nang maayos kung maaari mo kong tulungan upang maging maayos na at mapayapa ang buhay nating dalawa sa huli. Pakiusap, Dahyun. Pakiusap." Napayuko na lamang si Sana habang sinasabi ang kanyang saloobin sa harapan ni Dahyun na halatang naguguluhan parin.
"Tapos ka na bang magsalita?" Seryosong tanong ni Dahyun kaya naman napaangat ang kanyang ulo upang magtagpo ang kanilang mata. Sandaling napuno ng katahimikan ang paligid habang nakatingin sila sa isa't-isa.
"Dahyun, gusto ko pang mabu----" Hindi na natapos ni Sana ang sasabihin nang bigla siyang hilahin ni Dahyun palapit para lamang bigyan ng isang mahigpit na yakap. Sa puntong 'yon, may kakaibang naramdaman si Sana. Yung pakiramdam na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Yung pakiramdam na sobrang komportable siyang mayakap ng taong inititibok ng kanyang puso.
Epekto nga ba 'yon ng mala-sumpang nangyari sa kanya o iba na 'tong nararamdaman niya? Hindi malaman ni Sana kung ano ba talaga ang sagot sa tanong sa kanyang isipan habang yakap-yakap siya ni Dahyun. Isa lamang ang siguro siya, ayaw niya munang matapos ang sandaling 'to.
Magaan sa pakiramdam na mayakap siya ni Dahyun kung kaya't napayakap na lamang din siya dito.
"Da---Dahyun, pakiusap." Mahinang sambit niya habang yakap rin ito.
"Walang ibig sabihin ang ginawa kong 'to. Gusto ko lang na tumahimik ka na. Gutom na ko." Agad ring kumawala si Dahyun sa pagkakayakap kay Sana.
"Dahyun."
"Kumain na tayo. Handa na ang pagkain." Sagot na lamang nito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi pumuwesto sa upuan para sabayan si Dahyun na kumain.
Naputol ang katahimikan nang makita na ni Sana ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa.
"Hala. Ano 'to? Ano 'yon? Ano 'yan?!" Makulit na tanong ni Sana habang inuusisa ang mga pagkaing binili ni Dahyun.
"Aish. Seryoso? Saang lupalop ka ba ng mundo nagmula? Kumain ka na nga lang. Tama nang satsat."
"Gusto ko nun. Gusto ko niyan. Ayon din!" Hindi mapigilang matuwa ni Sana dahil sa wakas, mararanasan na rin niyang kainin ang iba't-ibang pagkain na noon ay natititigan lamang niya.
Sa di kalayuan, hindi nalalaman nila Sana na may nakamasid na pala sa kanila walang iba kundi si Momo.
Tahimik lamang itong nanonood sa dalawa na mukhang unti-unti nang nagkakaroon ng maayos na koneksyon sa isa't-isa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa kaibigan. Pumasok sa kanyang isipan ang katagang "Dapat ako yung nasa posisyon ni Sana."
"Masakit na makita siyang kasama ng matalik kong kaibigan. Pero ano pa bang magagawa ko? Nandiyan na 'yan eh. Sana matapos na ang gulo na 'to. Sana magkaroon pa ko ng pagkakataong makilala si Dahyun nang personal. Sana maligtas ang buhay ng matalik kong kaibigan." Kalmadong pagkakasabi na lamang niya bago tuluyang umalis para magpatuloy sa misyong ginagawa niya.
- To Be Continued -
A/N: Sorry sa sobrang tagal na walang update. Hahaha. Namiss niyo ko? Sobrang busy ko talaga eh. Sa april ulit ako maga-update. Hanggang dito muna. Lol
BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...