"Dahyun, nagtext sakin si Mom. Nagpunta daw sa bahay ang tauhan ng Lola mo. Hinahanap ka." Sambit ni Mina nang magising siya.
"And so?"
"Wala ka ba talagang balak umuwi sa inyo?" Tanong ni Chaeyoung.
"At bakit ako uuwi samin?"
"Siyempre malamang nag-aalala na ang Lola mo." Sambit naman ni Jeongyeon.
"Alam niyo --- mas gusto ko pang magstay dito." Seryosong sagot ni Dahyun sa kanila dahilan para magkatinginan silang lahat.
"Kailangan ko nang umuwi, Dahyun." Extra ni Nayeon.
"A--Ako din eh. Hinahanap na rin ako ng magulang ko." Napapakamot-ulong sabi ni Jeongyeon.
"Okay. Fine. Magsiuwi na kayo!"
"Magagalit ka ba samin kapag umuwi kami ngayon?" Tanong ni Chaeyoung.
"Bakit ako magagalit? Sige na. Magsialis na kayo."
"Magpapaiwan ako para may kasama ka." Boluntaryong sabi ni Mina dahilan para mapakunot-noo si Dahyun sa kanya.
"No need, Mina. Sumama ka na rin sa kanila. Malamang hinahanap ka na rin ng magulang mo. Magsialis na kayo ngayon."
"Bakit 'di ka pa sumama samin? Ano? Papaiwan ka talaga dito mag-isa? Walang kasama? Paano kung anong mangyari sayo dito? Kami ang malalagot sa Lola mo pag nagkataon." Sambit ni Nayeon ngunit tila walang pakialam si Dahyun sa sinasabi niya dahil abala ito sa paghikab.
"Kaya ko ang sarili ko. Kala mo namang first time ko magcamping. Huwag na kayong mag-alala sakin. Akong bahala sa sarili ko. Sige na. Umalis na kayo. Mas gusto kong manatili muna dito para makapagisip-isip."
"Basta tatawag o magtetext ka samin kapag may problema. Okay?" Sabi ni Mina kaya naman tumango na lamang si Dahyun sa kanya.
"Pasaway ka talaga, Kim Dahyun."
"Ano pa bang bago? Lakad na. Ingat kayo sa paguwi."
"Sige. Ingat ka din dito, Dahyun." Agad nang nagsikilos ang mga kaibigan ni Dahyun upang umalis dala ang mga gamit nila.
Nang makaalis ang mga kasama, napahinga nang malalim si Dahyun.
"Kaya ko ang sarili ko. Mas mabuting lumayo na muna sa gulo. Saka na lang ako uuwi kapag lumamig-lamig na ang ulo ni Lola." Nasabi na lamang niya bago kainin ang baong tinapay.
Ang hindi niya nalalaman, abala na pala ang magkaibigang cupid sa pagmamasid sa bawat galaw niya.
"Gusto mo yung ganyang klase ng tao? Walang pakialam kahit nag-aalala na ang ibang tao sa kanya? Seryoso, Momo?" Nakapamewang na tanong ni Sana kay Momo na hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Hindi mo kasi siya kilala. Siguro nagtatampo lang siya sa Lola niyang palagi siyang sinesermonan. Alam mo --- pareho kayo eh. Pareho kayong nasesermonan palagi."
"Eh ano? May dahilan naman ako. Gusto ko lang gawin yung mga bagay na sa tingin ko ay makakapagpasaya sakin."
"Tulad ng pagtambay sa bayan imbes na gawin ang misyon mo?"
"Kala mo namang ikaw hindi!"
"Si Dahyun lang ang dahilan kung bakit pumupunta ako sa bayan. Eh ikaw? Halata namang interesado ka sa buhay na meron sila, Sana. Huwag mo nang itanggi."
"Hindi ah. Gusto ko lang talaga silang pagmasdan."
"Ganun din ako. Gusto ko lang din namang pagmasdan si Dahyun. Ang cute niya kaya."
BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...