STTH #8

316 15 0
                                    

Dahil sa narinig na pagsigaw, nagsimula nang mapaisip ng kung ano-ano si Dahyun.

Bumalik siya sa pwesto upang likumin na ang mga gamit.

"Minumulto yata ako dito. Aalis na ko." Nagmamadali niyang kinuha ang mga gamit upang maghanda sa pag-alis. Umaga pa lamang at maliwanag na rin ngunit kinakabahan na siya. Naisip niyang baka mabaliw lamang siya kapag nagpaabot pa siya ng dilim sa kagubatan nang mag-isa.

Sa paglakad niya paalis, nakarinig siyang muli ng kaluskos sa mga naguumpukang halaman. Pakiramdam niya'y may nagmamasid muli sa paligid. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga dalahing gamit upang alamin kung ano ba ang bagay na nasa likod ng mga halaman.

Natatakot na siya ngunit determinado siyang malaman kung ano ang bagay na 'yon. Naisip niya ring baka pinagtitripan lamang siya ng mga kaibigan upang mapasama siyang umalis sa kagubatan.

Napapalunok siya habang palapit nang palapit sa halamanan. Nilakasan niya ang kanyang kalooban. Nang hawiin ang mga halaman, tumambad sa harapan niya ang isang babaeng nakaputing bistida.

"Oh my goodness!" Agad siyang napaiktad nang makaharap si Sana.

"Mahal kita." Rinig niyang sabi nito bago tuluyang yumakap sa kanya.

"What the ---- Miss, Si--sino ka ba?! Anong ginagawa mo dito sa kagubatan? Kanina ka pa ba diyan? Ikaw ba yung sumigaw kanina? May kasama ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Dahyun habang pinipilit na makawala mula sa pagkakayakap sa kanya ni Sana.

"Wa--Wala akong kasamang iba. Pakiusap, kailangan kita." Mas hinigpitan pa ni Sana ang pagkakayakap kay Dahyun.

"Yaaaaaaaah! Bitawan mo ko. Si--Sino ka ba? Anong kailangan mo sakin? Anong ginagawa mo diyan sa halamanan? Saan ka nakatira?"

"Hindi na mahalaga 'yun. Basta mahal kita."

"Baliw ka ba? Get off me!" Nagsimula nang mabadtrip si Dahyun sa kakaibang ikinikilos ng babaeng nasa harapan niya.

Sa di kalayuan, nagmamasid si Momo sa kanila. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Nalulungkot dahil hindi siya ang kayakap ni Dahyun. Nagsisisi dahil idinamay pa niya si Sana sa gulong pinasok niya.

Kailangan niyang humanap ng paraan. Kailangan niyang iligtas ang kaibigan dahil sa mga oras na 'to, alam niyang masasaktan si Sana kapag hindi nito nakasama si Dahyun.

Kailangan niyang iligtas ang kaibigan mula sa posibilidad na malagay sa panganib ang buhay nito dahil sa sakit na nararamdaman sa tuwing mawawalay kay Dahyun.

"Sinabi nang bitawan mo ko eh!" Pwersahang lumayo si Dahyun mula kay Sana dahilan para magulat ito.

"Hi--Hindi mo ba ako mahal?"

"Bakit naman kita mamahalin? Fvck. Nakatakas ka ba sa mental? Huh? Ni hindi nga kita kilala."

"Ta--Tama. Ako lamang pala ang nagmamahal sayo." Madramang sagot ni Sana.

"Pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba talaga? Balakajan! Aalis na ko." Muling binitbit ni Dahyun ang mga gamit.

"Sasama ako sayo."

"At bakit? Tigilan mo ko. Baliw!" Nagsimula nang lumakad paalis si Dahyun kung kaya't sinundan siya ni Sana.

"Gusto kita, Dahyun."

"Bakit alam mo ang pangalan ko? Stalker ka ba? Siguro sinusundan mo ko noh? Stalker ka nga siguro. Sh*t. Huwag mo na kong sundan!"

"Hindi ako stalker. Gusto lang talaga kitang makasama. Ay! Hindi ko pala gusto kundi kailangan ko."

"So what?" Hindi na siya pinansin pa ni Dahyun at nagpatuloy na lamang sa paglalakad paalis.

"Pakiusap, Hayaan mo kong sumama sayo."

"Bakit ko hahayaang may baliw na sumama sakin?"

"Hindi ko maipaliwanag sayo ngayon. Mahirap ipaliwanag 'yung dahilan ko. Basta kailangan kong sumama sayo. Pakiusap."

"Hindi pwede!"

"Da--Dahyun. Sandali!" Agad siyang hinawakan ni Sana sa braso dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.

"Ano na naman ba? Bitawan mo ko!"

"Naiinis na ko!"

"Huh? Anong naiinis ang sinasabi mo diyan? Ikaw pa 'tong naiinis? Ako 'tong dapat mainis kasi ginugulo mo ko. Baka mamaya scammer ka!"

"Hindi ko alam kung ano 'yung scammer pero nakakabadtrip ka na talaga."

"Seriously? Anong klaseng tao ka ba?!"

"Nababadtrip na ko sayo. Ayoko naman talagang sumama sayo pero kailangan."

"Bakit kailangan mong sumama sakin?!"

"Kasi mahal kita."

"O--Okay. Balakajan!" Nang makawala mula sa pagkakahawak ni Sana, nagmadali nang umalis si Dahyun.

"Dahyuuuuuuuuuun!" Malakas na sigaw ni Sana sabay takbo para habulin si Dahyun na nagmamadaling umalis palayo sa kanya.

Napailing na lamang si Momo habang pinagmamasdan ang dalawa. Napagtanto niyang magiging mahirap ang problemang 'to dahil nagsama ang dalawang matigas ang ulo.

- To Be Continued -

A/N: Pasensya na kung magulo. Intindihin niyo na lang. Hahahah.

Vote.Comment.Share

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon