STTH #5

328 16 2
                                    

"Oh? Anong balita sa pagmamasid mo nang palihim sa hinahangaan mong si Dahyun? Mukhang bwisit na bwisit ka ah." Pansin kaagad ni Sana ang kakaibang reaksyon sa mukha ng kaibigang kababalik lamang sa kampo.

"Ayon! Nakakainis talaga yung Mina na 'yon."

"Ano na namang kinaiinisan mo sa kanya?"

"Kasi naman may nalalaman pa siyang pagyakap kay Dahyun tapos balak pa niyang halikan. Mabuti na lang nakailag si Dahyun. Kasora!" Naupo na muna si Momo sa tabi ni Sana para ituloy ang pagkukwento niya.

"Eh bakit naiinis ka pa? Diba nakailag naman?"

"Paano kung ulitin niya 'yon kay Dahyun? Paano kung hindi na makailag si Dahyun sa susunod? Sana, kailangang may gawin ako. Hindi na pwede 'to." Agad na napahawak sa kamay ni Sana si Momo na matindi na ang pag-aalala na baka may mauna na sa taong kinahuhumalingan niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Problema mo 'yan. Saka ano ba? Seryoso ka ba talagang itutuloy mo ang pag-asang magiging kayo? Tsk."

"Sana! Gusto ko talaga si Dahyun."

"Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Eh, mukhang mayabang nga 'yon."

"Hindi siya mayabang noh. Palagi man siyang napapaaway o napapasok sa gulo, hindi niya kasalanan 'yon. Ginagawa niya lang ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya."

"Patay na patay ka sa Dahyun na 'yon noh? Pati ang pagiging cupid mo malalagay sa gulo kapag ipinagpatuloy mo pa ang ginagawa mong pagsubaybay sa taong 'yon. Nag-aalala lang ako bilang kaibigan mo." Sambit ni Sana kay Momo na hindi parin mapakali.

"Hindi ko kakayanin kapag may iba na siyang nakatuluyan. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan, diba? Gustong-gusto ko talaga si Dahyun. Pakiusap, Tulungan mo ko."

"Ano namang maitutulong ko sa sitwasyon niyo ng Dahyun na 'yon? Alangan namang magpakita ako sa kanya tapos ipakilala kita." Napapakunot-noong sagot ni Sana.

"May naisip na akong paraan pero kailangan ko ang tulong mo."

"Ano namang paraan 'yan?"

"Gusto kong gamitin mo samin ni Dahyun 'yung palaso mo. Hindi natin alam kung sino ang taong initadhana sa kanya dahil wala siya sa kahit anong listahan na natingnan natin. Maaaring may pag-asa pa kami."

"Nababaliw ka na ba, Momo? Sa tingin mo, ipapahamak kita para lang sa Dahyun na 'yon? Wala nga taong kasiguraduhan kung anong maaaring mangyari kapag sumunod ako sa plano mo. Maaaaring may mangyaring masama sayo, kay Dahyun o pati na sakin. Alam mong labag sa patakaran nating mga cupid ang gamitin ang kakayahan natin sa pansariling interes."

"Sana, nakikiusap ako sayo. Alam mo kung gaano ko kagusto si Dahyun. Kahit anong mangyari, haharapin ko. Kahit na maparusahan ako, ang mahalaga sinubukan ko ang makakaya ko para mapalapit kay Dahyun. Pagkakataon ko na 'to, Sana."

Sandaling natigilan si Sana. Napaisip siya nang malalim. Maaaaring may hindi magandang kapalit ang binabalak na ipagawa sa kanya ni Momo. Ngunit pumasok rin sa kanyang isipan ang katotohanang gustong-gusto talaga ni Momo na makilala at mapalapit kay Dahyun.

Halo-halong bagay ang pumasok sa kanyang isipan. Gustong-gusto niyang tulungan ang kaibigan ngunit ayaw naman niyang humantong ang lahat sa hindi magandang sitwasyon.

"Ano? Tutulungan mo ba ko, Sana?"

"Uhm. Momo, alam mong hindi tamang ga---" Hindi na naituloy ni Sana ang sasabihin nang tumayo sa kinauupuan si Momo.

"Kahit hindi mo ko tulungan, itutuloy ko parin 'to." Akma na sanang paalis si Momo dala ang kanyang palaso kaya pinigilan siya ni Sana.

"Sandali. Huwag kang padalos-dalos, Momo."

"Hindi ako papayag na maunahan ako ng Mina na 'yun."

"Si--Sige na. Tutulungan na kita. Basta makinig ka muna sakin. Pakiusap, Momo!"

"Talaga? Tutulungan mo na ko? Seryoso, Sana?"

"Oo. Tutulungan na kita dahil mapilit ka talaga. Kahit anong mangyari, nangangako akong tutulungan kita dahil kaibigan kita't gusto kong mapasaya ka kahit na palagi tayong nagtatalo sa mga ganitong bagay. Mas makulit ka pa ata kaysa sakin eh. Pasaway ka talaga."

"Anong magagawa ko, Sana? Mukhang tinamaan ako eh."

"Oo. May tama ka na talaga sa utak. Tutulungan na kita sa isang kondisyon."

"Ano naman 'yun?"

"Bukas na natin ituloy ang plano."

"Huh? Bakit naman? Pwede namang ngayon na."

"Bukas na lang. Hahanapin tayo ni Pinunong Jihyo kapag umalis pa tayo ngayong padilim na. Huwag kang mag-alala. Tutulungan talaga kita. Kaasar ka talagang pasaway ka. Pasalamat ka kaibigan kita eh."

"Salamat talaga, Sana. Waaaaaaaaah! Maaasahan ka talaga!" Agad na niyakap ni Momo ang kaibigan dahil sa sobrang saya at tuwang nararamdaman.

- To Be Continued -

A/N: Sana suportahan niyo 'to tulad ng pagsuporta niyo sa ibang stories ko. Salamat.

Vote.Comment.Share

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon