STTH #1

1.1K 26 6
                                    

Sa isang liblib na parte ng kagubatan, may mga naninirahang nilalang na may kakaibang kapangyarihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa isang liblib na parte ng kagubatan, may mga naninirahang nilalang na may kakaibang kapangyarihan. Mga nilalang na hindi aakalaing nabubuhay sa mundo. Kung pagmamasdan, hindi naiiba ang kanilang pisikal na pigura sa mga normal na tao.

Sila ang mga tinatawag na "cupid" na nabuhay sa mundong 'to para punuin ng pagmamahal ang mundong 'to.

"Magandang umaga!" Maliksing pagbati niya sa bagong umaga nang may kasama pang isang malaking ngiti sa labi.

"Sana, ang ingay mo. Agang-aga!" Nakasimangot na sermon sa kanya ng kanyang kaibigan na si Momo na nagtataglay rin ng kaparehong kakayahan.

Habang namumuhay nang payapa ang mga normal na tao sa kanilang bayan ay patuloy namang ginagawa ng mga nilalang na katulad nila Sana ang kanilang natatanging misyon.

"Anong balak mo, Momo? Alam mo na ba kung sino ang pagkakalooban mo ng walang-hanggang pagmamahalan?" Tanong niya sa kaibigan habang inisasaayos ang kanyang palaso na may natatanging mahika.

"Eh di ano pa? Gagawin ko yung dapat kong gawin." Seryosong sagot ni Momo bago tuluyang kunin rin ang sariling palaso.

"Hindi ka pa ba napapagod sa misyon nating 'to?"

"Anong ibig mong sabihin?" Napatingin sa kanya ang kaibigan.

"Ang ibig kong sabihin --- hanggang kailan ba tayo mabubuhay sa ganito? Aminado kong trabaho natin bilang "matchmaker" na pagtagpuin ang mga pusong karapat-dapat para sa isa't-isa pero kung iisipin, kailangan ba talaga nating gawin 'to? Iniisip ko na may mangyayari bang masama kung ihinto natin 'to at gawin na lamang kung anong gustuhin natin?" Napapaisip na pagpapaliwanag ni Sana sa kaibigang patuloy lamang sa pakikinig sa kanya.

"Sana! Hindi ka talaga nakikinig sa mga leksyon at payo ng pinuno natin noh?" Napakamot-ulo si Sana dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Nakakatamad kayang makinig sa mga payo at kung ano-anong kwento ni Pinunong Jihyo. Halos paulit-ulit na lang 'yung sinasabi niya. Kesyo hindi tayo makakatakas sa responsibilidad na 'to. Kesyo may hindi magandang kapalit daw kung susuway tayo. Nakakainis na kaya. Pagod na pagod na ko sa ganitong buhay. Tingnan mo, ang ganda-ganda ng umaga na 'to para magsaya sa bayan."

"Nakikinig ka naman pala eh. Pero kahit napakinggan mo yung mga dapat at hindi dapat na gawin natin bilang isang "cupid", hindi ka parin nakikinig. Matigas parin yang ulo mo. Hindi ka ba natatakot sa kung anong parusa ang ipapataw sayo kapag sumuway ka. Sigurado kong sesermonan ka na naman ni Pinunong Jihyo."

"Sanay na naman akong masermonan non. Palagi namang ako."

"Kasi matigas ang ulo mo."

"Matigas naman talaga ang ulo ko. Alangang malambot. Hindi na ata tama 'yon."

"Nagagawa mo pang magpaloko-loko. Kasesermon lang sayo ni Pinunong Jihyo kahapon dahil sa hindi mo na naman paggawa sa misyon mong pagtagpuin ang puso ng dalawang taong napatapat sayo. Ayon tuloy, nagkaroon na ng magkaibang kabiyak yung dalawa na hindi naman talaga para sa kanila. Masasayang lang ang mga panahong dapat ay kasama nila ang karapat-dapat sa kanila imbes na ang inakala nilang para sa kanila. Tsk!" Inis na sabi ni Mina sa kanya na nanatili lang na nakangisi.

"Pakialam ko? Para naman kasi tayong mga utusan. Araw-araw nating bitbit 'tong palaso na may natatanging kapangyarihan ng pagmamahal tapos hahanapin natin yung dalawang tao na nakasulat sa libro ng mga initadhana na karapat-dapat sa isa't-isa. Tagapana lang naman tayo. Hindi naman talaga sila nasasaktan nang pisikal o nakakaramdam sa tuwing papanain natin yung puso nila. Tapos bigla na silang magiging interesado sa isa't-isa. Para lang talaga tayong paepal."

"Sabihin mo, naiinggit ka kasi sila may pagkakataong magkaroon ng buhay na masaya. May kabiyak. May mga anak. May pinakakasalan. May payapang buhay. Tayo? Habangbuhay na ata tayong ganito. Pero minsan napapaisip ako kung ano ba yung kahahantungan natin sa oras na matapos na ang misyon nating 'to. Di ka ba napapaisip sa kung anong mangyayari satin sa oras na matapos na natin yung listahan ng mga taong dapat nating panain. Palagi ko kasing tinatanong 'yun kay Pinunong Jihyo kaso ayaw naman niyang sumagot. Basta ang sinabi niya lang, tapusin lang daw natin ang trabaho natin. Malalaman rin natin sa huli."

"Bakit ako maiinggit? Maswerte pa nga ko na hindi ako kabilang sa mga kalokohan na nangyayari sa mga tao eh. Takot ko na lang na magaya ako sa kanila. Pasalamat pa nga sila dapat satin kasi tayo na mismo yung gumagawa ng paraan para sumaya yung mga puso nila. Imbes na nagpapahinga lang tayo at nabubuhay nang tahimik sa kagubatang 'to eh. Sa totoo, napapaisip rin ako doon. Siguro pagkatapos nating panain ang mga initadhana sa kanya-kanyang libro, baka maglaho na lang tayo na parang bula. Kaya inuunti-unti ko 'yung sakin eh. Malay mo." Pagtanggi ni Sana sa kaibigan.

"Talaga ba? Maniwala akong hindi ka naiinggit sa buhay nila. Eh halos araw-araw ka ngang pumupunta sa bayan para lang panoorin silang mamuhay nang masaya. Diba? Imbes na gawin mo na lang ang misyon mo, tumutunganga ka na lang sa bayan. Umaasa na maranasan din ang buhay na meron sila. Baliw ka talaga, Sana. Paano mo agad malalaman kung hindi mo bibilisan ang pagtapos sa misyon mo sa mga nakalista sayo?"

"Ewan sayo. Sinisira mo ang umaga ko. Basta maghihinay-hinay lang ako. Hindi naman ako naiinggit sa buhay nila. Napapaisip lang ako sa kung paano ba talaga sila mamuhay. Yun lang."

"Sige na. Kung 'yan ba ang gusto mong paniwalaan ko. Kumilos na tayo bago pa tayo masermonan ni Pinunong Jihyo."  Napatango na lamang si Sana sa kaibigan.

Sa lahat ng tinaguriang cupid na naninirahan sa gubat, masasabing si Sana ang pinakapasaway sa lahat. Hindi na mabilang ang mga pagsaway na kanyang ginawa tulad na lamang ng hindi paggawa sa misyon niya sa initakdang oras kung kaya't napunta sa maling landas ng pag-ibig ang nasa listahan ng libro niya.

Ang mga cupid ay may natatanging kanya-kanyang libro na naglalaman ng listahan ng bawat taong initakda para sa isa't-isa. Sinasabing para matapos na ang paghihirap sa kakaibang buhay na ipinagkaloob sa kanila, kailangan muna nilang tapusin ang kanilang misyon. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang mangyayari sa oras na matapos na nila ang kanya-kanyang misyon dahil mistulang naglaho ang ibang cupid na nauna nang nakatapos ng misyon nila.

"Momo! Sana!" Akma na sanang aalis ang magkaibigan nang marinig nila ang pagtawag ng kanilang Pinunong Jihyo. Dahan-dahang napalingon ang dalawa bitbit ang kanilang palaso.

"Ano po 'yun, Pinunong Jihyo?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Gusto ko lang sabihing hindi niyo matatapos ang inyong misyon kung tutunganga lang kayo dito. Kung gusto niyong matapos ang inyong misyon bilang isang cupid, gawin niyo nang maayos ang dapat niyong gawin." Panimula ni Pinunong Jihyo sa dalawa.

"Heto na nga po. Paalis na kami kaso pinigilan niyo kami." Pamimilosopo ni Sana sa Pinuno.

"Sana, nakakailan ka na. Kapag hindi ka pa umayos, hindi magiging maganda ang takbo ng buhay mo."

"Ano pong mangyayari sakin?" Makulit na tanong ni Sana.

"Basta. Malalaman mo rin kapag nagpasaway ka na naman. Hindi na pwedeng magpaulit-ulit ang kalokohan mo. Seryosong responsibilidad 'to kaya dapat kayong magpursigi." Sagot ng Pinunong Jihyo kay Sana na napapangiti lang.

"Masusunod po, Pinuno." Sambit naman ni Momo.

"Aalis na kami, Pinunong Jihyo." Pagpapaalam ni Sana sabay hila kay Momo paalis.

"Sandali lang naman, Sana!"

"Tara nang maglakad!"

"Sana, nakakalipad tayo." Nakakunot-noong sabi ni Momo sa kanya.

"Ang gara kasi. Nakakalipad tayo nang walang pakpak. Gusto ko ng pakpak."

"Magtigil  ka nga. Tara na!" Binitbit na ng dalawa ang kanilang sari-sariling palaso at librong nagtatala ng listahan ng mga taong initadhana para sa isa't-isa.

- To Be Continued -

Author's Note: Anong masasabi niyo? Haha. Pasensya na kung magulo 'yung kwento. Pagtiyagaan niyo na lang intindihin. Matagal nang nasa isip ko ang ganitong concept ng story. Ngayon ko lang talaga sinubukang gawin. Sana magustuhan niyo kahit na may pagka-weird 'to. Lol

Vote.Comment.Share

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon