STTH #14

363 14 22
                                    

A/N : Bulaga! 👻

Sa pagsapit ng dilim, halos hindi pa rin matapos-tapos si Sana sa pag-usisa sa iba't-ibang bagay na nakikita niya sa rooftop ng resthouse.

"Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar."

"Ang sarap ng mga inuwi mong pagkain kanina."

"Lahat ba ng tao may ganitong klase ng bahay?"

"Marami ka pa bang bahay na ganito din kaganda?"

"Marunong ka pala mag-alaga ng halaman."

Halos mapahinga na lang nang malalim si Dahyun habang pinagmamasdan si Sana na parang ayaw paawat sa kakatanong at kakalakad sa paligid.

"Mag-isa ka lang sa lugar na 'to?"

"Kung mag-isa ka, bakit?"

"Anong madalas mong pagkaabalahan?"

"Kumusta naman ang pamilya mo?"

Hanggang sa tila naging personal na ang tanong ni Sana dahilan para mapakamot siya sa ulo.

"Aish. Napakadaldal mo." Nakakunot-noo na sagot ni Dahyun sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako eh."

"Pwes ayoko ng mga tanong mo."

"Kung gusto mo, tanungin mo din ako." Napasinghal siya sa mungkahi ni Sana.

"Sa tingin mo, interesado akong tanungin ka sa kahit na anong bagay? Mas gusto ko pang kausapin yung halaman diyan sa paso kaysa tanungin ka tungkol sa buhay mo."

"Bakit naman?" Napapaisip na tanong ni Sana sa kanya.

"Kahit naman tanungin kita, hindi ko maintindihan kung baliw ka ba o humihithit ng ipinagbabawal na droga. Kung ano-ano kasing sinasabi mo." Prangkang pagkakasagot ni Dahyun sa dalaga na agad namang napasimangot.

"Ang init naman ng ulo mo sakin."

"Buti alam mo."

"Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi talaga kailangan. Wala lang talaga akong magawa kundi ang manatili sa tabi mo." Depensa ni Sana sabay upo sa tabi ni Dahyun na agad namang umusod palayo.

"Nagsisimula ka na naman. Kita mo? Kung ano-ano na namang sinasabi mo. Sino ba namang hindi maghihinala na baliw ka? Tsk. Isa pa, tinatanong mo pa talaga kung bakit mainit ang ulo ko sayo? Aish."

"Kailangan ko talaga ang tulong mo." Akma na sanang hahawakan ni Sana ang kamay ni Dahyun ngunit agad itong nakaiwas sa kanya.

"Ang weird mo. Hoy! Para sabihin ko sayo, hindi mo ko pwede basta-basta hawakan porke't hinayaan kitang pumasok sa pamamahay ko."

"Wala naman akong ginagawang masama."

"Sa ngayon, wala pa."

"Kung alam mo lang sana kung gaano kahalaga sakin ang misyon na 'to, Dahyun."

"Misyon? Ano na naman bang misyon? Sawang-sawa na ako sa mga pakulo mo."

"Nagagalit ka na naman sakin." Napayuko na lamang si Sana sa isang sulok.

"Ginagalit mo kasi ako. Pamamahay ko 'to. Batas ko ang masusunod dito. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Sige." Matipid na sagot ni Sana sabay focus na lamang sa ibang bagay ng atensyon niya.

"Diyan ka na. Lumalalim na ang gabi. Magpapahinga na ko." Akma na sanang pupunta si Dahyun sa kwarto niya nang bigla siyang hawakan ni Sana sa kamay.

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon