STTH #18

65 3 1
                                        

"Ahhh!" Nabigla siya sa pagsigaw ni Sana dahil sa biglaang pagbukas niya ng pinto dahilan para mahulog ito, buti na lang nasalo niya.

Sandali. Buti na lang nasalo niya si Sana?

"What the...Oh!" Sa pagkagulat sa biglaang pagsalo kay Sana, minalas pa't nawalan ng balanse si Dahyun dahilan para matumba siya na siya namang sinundan ni Sana.

"Aray ko!" Rinig niyang sigaw ni Sana. Sandaling ininda ni Dahyun ang pagkakabagsak bago tuluyang matauhan sa kasalukuyang kinapupwestuhan nilang dalawa.

Nang lumingon si Dahyun, agad na nagkaharap ang mukha nilang dalawa dahil sa kanya bumagsak si Sana.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa dahil kahit sino sa kanilang dalawa ay hindi agad nakapagsalita.

"Umalis ka nga diyan!" Iritableng sambit ni Dahyun sabay bahagyang tulak kay Sana bago tuluyang tumayo.

"Grabe ka naman makatulak, Dahyun."

"Wow, ako na nga 'tong mas naperwisyo. Bumagsak na nga ako, sakin ka pa bumagsak. Ano ba kasing ginagawa mo sa labas ng kwarto ko? Sinisilipan mo ako noh!"

"Bakit naman kita sisilipan? Akala ko kasi umalis ka bigla nang hindi nagpapaalam sakin, kaya sinubukan kong pakinggan mula diyan sa pinto mo kung nasa loob ka." Paliwanag ni Sana.

"Ano naman sayo kung umalis ako nang hindi nagpapaalam? Magkaano-ano ba tayo?"

"Magka-live-in?"

"Ha? Anong pinagsasabi mong magka-live-in? Saan mo nakuha 'yan?"

"Sa mga kaibigan mo kanina. Sabi nila, magka-live-in raw tayo."

"Huwag mo na ulit babanggitin 'yan. Kinikilabutan ako sayo. Hindi tayo magka-live-in. Jusko!" Dali-daling dumiretsyo sa rooftop si Dahyun kaya agad siyang sinundan ni Sana.

"Eh ano ba dapat ang sabihin ko?" Pangungulit ni Sana kaya muling napaharap si Dahyun sa kanya.

"Wala. Basta, nakikitira ka lang dito. Ang weird na sabihin mong magka-live-in tayo. Nakatira naman talaga tayo sa iisang lugar, pero hindi tayo involved sa isa't-isa romantically o sexually."

"Romantically? Sexually?"

"Basta, sabihin mo na lang na nakikitira ka lang dito sa resthouse ko. Wala nang iba, okay?"

"Okay"

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo, Sana. Ganito na lang, para matapos na 'to. Hahayaan kitang manatili dito hanggang sa makahanap ka na ng bagong tutuluyan mo pero sa isang kondisyon."

"Sa anong kondisyon?"

"Huwag mo akong pakialaman sa buhay ko. Ayoko nang kinukulit ako. Pupunta ako sa gusto kong puntahan, at ganon ka rin. In short, huwag mo akong sundan nang sundan."

"Pero kailangan lagi akong nasa tabi mo..."

"At bakit?"

"Dahil hindi kakayanin ng puso ko kapag malayo ka sakin o kapag hindi kita kasama."

"Alam mo...itigil mo na 'yan bago pa ako mainis ulit sayo."

"Pero totoo ang sinasabi ko, Dahyun. Kapag hindi kita kasama, manghihina ako tapos hindi ako makakahinga hanggang sa mamatay na ako."

"Hindi ko talaga maintindihan kung saan mo hinuhugot ang mga sinasabi mo, Sana. Niloloko mo ba ako? Akala mo ba maniniwala ako sa kalokohan mo?"

"Nagsasabi ako ng totoo, Dahyun."

"Sige, kunwari na lang naniniwala ako."

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala, basta nagsasabi ako ng totoo. Kapag namatay ako, habang-buhay kitang isusumpa." Asar na sambit ni Sana dahilan para mapataas-kilay si Dahyun sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon