STTH #12

309 21 2
                                    

Sa pagpasok ni Sana sa loob ng resthouse, hindi niya maiwasang mamangha sa mga nakikita.

"Isarado mo yang bibig mo. Baka pasukan ng langaw." Rinig niyang sabi ni Dahyun kaya't napakamot-ulo na lamang siya.

"Ang ganda naman dito." Nakangiting sagot ni Sana habang patuloy parin sa pag-usisa sa mga bagay-bagay na nasa paligid.

"Magbibihis lang ako." Agad na rin namang umakyat ng hagdan si Dahyun upang magpalit ng damit sa loob ng kanyang kwarto.

Habang abala sa pagpapalit ng damit, biglang bumukas ang pintuan. Mistulang naestatwa sa kinapupwestuhan si Dahyun habang nakatingin kay Sana na pumasok sa loob.

"What---the---hell? What the hell, Sana?!"

"Ah---Pa---Pasensya na. Akala ko kasi tapos ka nang magbihis." Agad namang nagtakip ng mata si Sana dahilan para mapailing na lamang sa kanya ang naiinis nang si Dahyun.

"Gusto mo ata talaga akong silipan eh." Inis na sabi ni Dahyun bago tuluyang suutin ang kanyang t-shirt.

"Hindi ko naman sinasadyang pumasok nang walang pahintulot. Akala ko tapos ka nang magbihis. Gusto ko lang naman maglibot sa loob ng bahay mo."

"Tsk. Kung gusto mong hayaan kita na magstay dito sa ngayon, umayos ka."

"Hindi na mauuulit." May lungkot na namuo sa mukha ni Sana kaya naman lumapit na sa kanya si Dahyun.

"Hey."

"Ba--Bakit?"

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" Napapaisip na tanong ni Dahyun sa kanya. Sandali silang nagkatitigan. Tila ba may kuryenteng namamagitan sa pagtitig na nangyayari.

"Sinabi ko na sayo eh. Gusto kitang makasama. Gusto kitang makausap. Gusto kitang makita."

"At kung hindi mo ko makikita, makakausap o makakasama --- Ano? Mamamatay ka? Ganon? Tsk. Ang weird."

"Mahaba at komplikadong kwento." Matipid na sagot ni Sana dahilan alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa mga impormasyong sasabihin niya kay Dahyun.

"Sige na. Lumabas ka na ng kwarto ko."

"Saan ako pupunta?"

"Malamang sa labas ng kwarto ko."

"Pwede bang dito na lang din muna ako?"

"Siraulo ka ba? Lubayan mo nga muna ako. Naiirita ako kapag nakikita ka."

"Eh di huwag mo kong tingnan. Pangako, hindi kita guguluhin. Tahimik lang talaga ako sa isang tabi."

"Aish. Kung gusto mo talagang tumahimik, dapat sinisimulan mo na. Hindi yung nadaldal ka padin diyan." Nakakunot-noong sambit ni Dahyun.

"Gusto ko lang naman kasi talagang manatili sa pwesto kung saan maaaari kitang makita."

"Sobrang weird mo. Alam mo ba yun?"

"Weird?"

"Kakaiba ka talaga eh."

"Ah. Kaya nga dapat mo talaga akong ipagmalaki. Wala ka nang mahahanap na katulad ko." Nakangiting sagot ni Sana kay Dahyun na poker face lamang na nakatingin sa kanya.

"Dun ka na nga lang sa may pintuan. Lakad na."

"Bakit doon? Pwede namang dito na lang sa tabi mo."

"Magtigil ka. Pumunta ka na doon o palalayasin kita?"

"Heto na nga eh. Pupunta na nga. Sungit naman." Wala nang nagawa si Sana kundi pumunta sa tabi ng pintuan. Agad siyang naupo sa sahig para lamang hindi mangalay.

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon