Prologue

1.4K 14 5
                                    

Disclaimer: The legal proceedings depicted in this chapter are based on research and creative interpretation. This work is a fictional creation and not intended to represent real-life legal practices or events.


__________

00. Change.


I was busy double checking the papers to make sure na walang papalpak. There should be no room for errors. Wearing my striped black and maroon gown, my uniform as a prosecutor, I kept on rereading the case since this wasn't originally mine.


I just took it dahil ako ang nakita nilang available. Nagkasakit kasi yung dapat in charged sa kasong ito kaya ako ang pinalit dahil ako lang ang available.


Wala pa namang tao sa korte kaya tinignan ko munang sandali ang phone ko nang nakareceive ito ng text. It was from my bestfriend.


From Doc Pangit:

Good luck.


Napangiti ako at nag tipa ng reply.


To Doc Pangit:

Thank you! :>


Ibinaba ko ang cellphone ko at kalmadong napabaling sa pintuan nang narinig kong nagbukas ito. Kaagad na naglaho ang ngiti ko nang makita kung sino ang pumasok sa court room. 


I thought si Attorney Penuela ang magigi defense lawyer? Siya kasi yung nakalagay pero bakit si. . . Brian—Attorney Echiverri ang nandito?


Bigla akong nanlamig nang magtama ang mga mata namin. I felt my heart race. Siya lang ang kayang makagawa nito sa puso ko. He could always make me excited by just the sight of him.



But that was before dahil ngayon habang nakikita ko siya. . . Nasasaktan ako. 


It's beating rapidly for him but it beats painfully.


Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga hazel niyang mata. Hindi din naman siya umiwas ng tingin. 


Those hazel eyes that once fooled me. . . Umiwas ako ng tingin at ibinalik nalang ito sa mga papel sa harapan ko kahit wala namang maproseso ang utak ko kahit paulit-ulit kong basahin isang pangungusap.


Parang nawiwindang ang utak ko sa presensya niya.  He said hurtful things to me before. He destroyed me when I needed him. Tapos boom! Nandito na siya sa harap ko?


I unconsciously pinched my fingers. 


Akala ko okay na ako dahil ilang taon na rin naman ang nakalipas pero bakit ang sakit pa din? I did all things just to forget him but why does my heart still ache now that I'm seeing him?


"Prosecutor Salazar?" Hindi niya siguradong tawag.


I ran my slender fingers through my short hair before gazing up to meet his hazel eyes. . . Mga matang minsan akong binihag at niloko.


Tumayo ako. I politely smiled. "Attorney Echeverri," 


Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. His Australian features. Brown hair, small face, hazel eyes, high bridge nose, plump pink lips. He got much taller, his shoulders became more broad, too.


He tilted his head catching my eyes kaya natigil ako sa pantitig. "What?" Aniya.


Bahagya akong napasinghap at umiwas ng tingin. He caught me observing him! 


Ngumiti ako at umiling. "Uh, nothing." 


I lied. I wanted to ask him so bad bakit siya ang nandito imbis na si Attorney Penuela pero pakiramdam ko wala ako sa position na magtanong dahil kahit ako naman, hindi din naman dapat ako prosecutor na in charge sa kaso na ito.


Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon