22

347 7 0
                                    

22. Murderer.



Hindi ko ma proseso ang sinabi niya. Na. . . aksidente si Brian?





I needed confirmation kaya nagmamadali akong tawagan ang taong kilala ko na maaring alam kung nasaan siya.



His cousin.



A few rings and he answered.



"Hello-" Hindi ko na siya pinatapos dahil kaagad akong nagsalita.



"Totoo bang na aksidente si Brian?" Kaagad kong tanong. I heard his deep exhale. "Answer me, please. . ." I pleaded.




"Yes. . ."



I felt tears fall from my eyes. "N-Nasaan siya?"



"He's fine. Don't worry-" I noticed the the strain in his voice like napipilitan lang siyang sagutin ako pero hindi ko na iyong pinagtuunan ng pansin.





"Please! G-Gusto ko siyang makita." Pakikiusap ko.




I knew he can't resist me. He sighed in defeat and ended the call telling me that he'll text me the address. Hindi din nagtagal ay natanggap ko ang location but he also reminded me that should be careful on my way there pero hindi na ako nagreply pa sa kakamadali ko.




Kaagad akong nagpunta sa hospital na pagmamay-ari ng mga Aguayo kung nasaan si Brian ngayon.



Papasok na ako sa hospital nang bigla na lang tumatawag si Zephyr.



"Nasaan ka?" Bungad niya sa seryosong boses.

"Sa entrance." Paos kong sagot habang hindi mapakaling tingin ng tingin sa buong paligid.

"Tingin ka sa gilid mo." Utos niya.





Naguluhan pa ako sa sinabi niya pero tumingin ako sa kaliwa ko pero wala naman akong nakita.




"Right side." Aniya, nahimigan ko ng inis ang boses niya.

Ano bang ikinagagalit ng lalaking ito?




Humarap ako doon at nakita ko kaagad ang iritado niyang mukha. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at pinatay ang tawag.



"Nasaan siya?" Kaagad na tanong ko.



Tumingin siya saglit sa orasan niya. "Kumain ka na ba?" Pag-iignora niya sa tanong ko kanina. Napatingin din ako sa orasan ko at nakita kong pasado ala una na.



Umiling na lang ako sa kanya. Wala na akong sa mood mag sinungaling dahil sa pag-aalala ko.



"Si Brian? Nasaan siya? Okay lang ba siya? Kamusta na ang lagay niya?" Frustrated kong sunod-sunod na tanong.



It's so damn frustrating na hindi siya sumasagot at iniiwasan lang ang aking tanong!




"Ako na lang ang maghahanap kung mananahimik ka lang dyan." Malamig na sabi ko.



Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya pero hindi ko alam kung para saan iyon bago ko siya tinalikuran para hanapin si Brian.



Alam ko na mali ang sinabi ko pero pagod na pagod na ako. Gusto ko lang malaman kung kamusta ang lagay ni Brian.



Hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na ako ng paghawak sa braso ko kaya napatingin ako doon. Pinagmasdan ako ni Zephyr ulo hanggang paa at umintig ang panga niya.



Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon