16. Blind.
The following days were hard dahil mas marami ng ginagawa sa school pero hindi pa din namin nakakalimutan ni Brian na magkamustahan.
Fourth year kami nung naging kami, ngayon ilang buwan na lang at gagraduate na kami.
Hindi ko nga alam paano ko nakayanan ang hindi ma nosebleed sa kanya sa loob ng mahigit isang taon.
Linggo ngayon we both don't have classes so we chose to spend our time together. We went to an amusement park. Pakiramdam ko tuloy teenager nanaman ako.
Kapag talaga kasama ko siya parang pwede kong kalimutan yung mga problema at stress ko kahit saglit lang.
I swayed our intertwineded hands while we walk. Sumisimsim lang ako ng aking melon shake habang naglalakad-lakad kami.
I'm wearing a jumper skirt with a blue off shoulder cropped top underneath. My hair was braided into two kaya feeling teenager talaga ako ngayong araw. Walang kokontra!
Si Brian naman ay naka simpleng grey shirt lang na nakatuck in sa maong niyang shorts. So rare. Lagi kasi siyang nakapantalon. Mas conservative pa kaysa sa'kin.
Hindi din naka gel ang kulay brown niyang buhok kaya ang presko presko niya tignan.
"Gusto mo?" Alok ko sa kanya sa drink ko. Alam ko namang naintindihan niya 'yon dahil dalawang salita lang naman 'no!
Ayaw niya kasing aralin mag tagalog dahil nga sa school namin ay hindi naman din masyadong nag tatagalog ang mga tao doon.
Umiling lamang siya kaya patago akong nadismaya. Arte. LC ka ba ha?
Ngumuso na lang ako para itago iyon pero umangat ang tingin ko kay Brian nang humalakhak ito sa tabi ko.
"Why are you pouting?" Natatawa niyang puna.
Umiling na lamang ako kasi nakakahiya! Parang napakababaw naman iyon. Baka hiwalayan pa ako dahil ayaw ng clingy girlfriend.
"C'mon, tell me. Is it because of your drink?" He asked gently ang held my hand tighter pulling me closer.
"Hindi ah!" Depensa ko.
Napangisi siya. "Defensive, hmm?"
Umirap ako at binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Naninira naman ng mood, ang ganda ganda ko pa naman oh. Este, ng mood ko kanina.
Automatic na bumagal ang lakad ko nang may kamay akong naramdaman na pumalupot sa bewang ko. Hindi ko naman kailangang lingunin dahil alam ko naman kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]
RomancePretender Series || Salazar Cousins #2 Blind. A word to describe her. Not literally but figuratively. Why does she keep choosing someone who kept hurting her instead of seeing the one who never left her side? Because that's her. Kasi sobra siya magm...