14

196 6 0
                                    

14. Judge.



"Hala weh? Sana everyone!"





Tinulak ako ni Bria sa upuan ko nang ikuwento ko sa kanya yung ginawa ni Brian kanina.





Tinulak ko din siya ng mahina biglang pagganti at dahil nahulog kaya ako sa upuan ko!





"Gago ang sakit!" Daing ko at napahawak pa sa puwetan. Mabuti nalang at walang tao dahil nasa canteen sila.



Tumawa siya bago niya ako tinulungan kaya pabiro ko siyang sinabunutan. "Sorry na kasi! Mananabunot pa eh!"



"Eh, hinulog mo 'ko sa upuan e!" 




"Eh nahulog ka din naman sa kanya!" Halakhak niya.



Sumimangot ako. "So masasaktan din ako?" 



"Luh!" Umayos siya ng upo. "So kayo na?" 



Natigilan ako.

Hindi naman namin napag-usapan dahil tinawag na din siya kanina ng mga kaibigan niya.



Kinagat ko ang iibang labi ko at tumingin kay Bria habang nakasimangot.




Nanlaki ang mata niya at hinampas ang mesa nang tumayo siya. "Haluh! Ano 'yon? Hahalikan ka tapos hindi naman pala kayo? Napakaredflag—Mmh!" 





Natigil siya nang tinakpan ko ang bibig niya dahil dumating na mga kaklase namin!



"Wow, ano yung narinig ko?" Taas kilay na tanong ni Thea.




Tinanggal ni Bria ang kamay ko sa bibig niya at masama akong tinignan. "Ang baho ng kamay mo!" 




Humarap ako kay Thea at matamis na ngumiti. "Yung napanood kasi namin sa Facebook, napakared flag ng lalaki! Hahalikan niya tapos hindi naman alam kung sila na ba." Palusot ko.




Tumango siya but didn't look convinced at all!





Pero hinayaan niya nalang kami at bumalik sa pwesto niya kaso may mapang-asar pa din siyang ngisi eh. Rrr!

Siniko ko si Bria. "Ang ingay mo kasi!" Pabulong ko sabi.

"Malay ko bang nandyan na pala sila." Bulong din niya pabalik.




Natahimik nalang kami nang dumating na si prof Esguerra na last subject namin ngayon.



Nang uwian ay nakita ko si Brian kaya mabilis akong tumalikod para hindi niya ako nakita.





Now I don't know how I'd act around him!




"Nahtalliey, wait!" Narinig kong sigaw niya.





Gosh nakita nanaman niya ako! 



Binilisan ko ang lakad ko, kunwari hindi ko siya marinig pero nahinto ako sa susunod niyang sinabi,





"Love!" Aniya.

I felt my heart beat faster. Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko sa simpleng tawag lang niya kaya napahinto ako.



"Why are you avoiding me?" He asked as I heard his footsteps getting nearer.



Unti unti ko siyang hinarap. I tried to smile but I know it came out awkwardly.

"H-Ha? M-Me? Avoiding you? Hindi kaya. . ." Sinubukan kong tumawa pero na halata lang na kinakabahan ako!



Tangina ang awkward ko!



Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon