7

270 11 8
                                    

07. Google.



"Hoy! An'yare sa inyo? Kanina pa ako kinukulit ni Brian, na nonosebleed na ako, bhe!" Reklamo ni Bria.



"Wala! Basta kapag hindi sa'yo, dapat ikaw na yung lumayo." Tamad kong sabi saka binaon ang ulo sa desk.



"Luh. Edi sana pina billboard, powerpoint, dineclimite, pinoster, inislogan, pinaprint, pinaxerox, chinismis, pinalapida, pinabaranggay, pinapulis, pinarally, pinabroadcast, newspaper, newscast, tattoo, magazine, tarpaulin, lettering, calligraphy, winallpaper, nilockscreen, cinoverphoto mo." Aniya.



I groaned. "Ang daming sinabi."



"Uy, Brian, oh! Hala! Lagot ka, papalapit dito!" Anunsyo niya.



Napaangat ako ng tingin dahil doon at hindi nga nagbibiro si Bria. Bigla nalang siyang pumasok sa classroom kaya pinagtitingnan na siya ngayon ng mga kaklase kong echoserang frog!



Napatingin siya sa akin kaya nagpanggap akong tulog sa desk kahit nakita naman niya ako.



"I'll borrow her for a while." Narinig kong sabi ni Brian.



"Kahit huwag mo na balik." Boses ni Bria bago humagikgik.



Pagkatapos non ay naramdaman ko ang kamay sa aking pulsuhan. Bago pa ako makaalma ay hinila na niya ako palabas ng classroom namin. Alam ko namang kilala siya ng mga classmates ko kasi friendly siya eh.



He led me into a hallway na walang tao.



Hinanap niya ang aking tingin pero hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.



"Why are you avoiding me?" Seryoso niyang tanong.



"I'm not avoiding you." I denied calmly.



"Oh yeah? Then why won't you look at me?" Hamon niya.



Hindi ko siya sinagot. I changed the topic. "I'm busy. I need to go."



He held my wrist again kaya hindi ako nakaalis. It annoyed me.




If you already have a girl, don't entertain me! It's confusing!



"I need to go." Nagpumilit akong pumiglas. He tightened his grip on my wrist but not tight enough for it to hurt.



"What about we talk about the last thing you said on the phone?"



Umiling ako. I was getting frustrated that he wasn't letting me go. Dahil alam ko sa sarili ko na konting suyo niya lang, siya nanaman.



"I-I really need to go."



I tried to pull my hand away from him but instead of letting my wrist go, he pulled me closer making my heart beat go wild. Mas lalong huramentado ang puso ko when he rested his forehead on my shoulder. He sighed making me feel his hot breath on my collarbone.




Ako nahihirapan sa kanya. Ang tangkad niya sa akin pero nakayuko siya sa aking balikat.



"I don't have a girlfriend. . ." He whispered.



Natigilan ako doon. Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig. He doesn't have a girlfriend?



Gusto ko lumayo dahil baka marinig nga ang tibok ng puso ko pero hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa sa kinakatayuan ko.



Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon