13

197 6 0
                                    

13. Deeply



"Gan'to kasi 'yan. . ." I kept playing with my fingers habang nakatingin sa akin si Bria pero hindi ko man lang siya matignan ng matagal sa mata.



Napakamot siya ng ulo. "Ano ba naman 'yan, bhie! Kanina mo pa sinasabi 'yan eh. Hindi naman kita huhusgahan. Hindi naman judge kinukuha ko." Napipikon na niyang sabi.



I took a deep breath. "Howwouldyouknowifyoulovesomeonealready?" Mabilis kong tanong.



Biglang nagbago ang expression niya. Tumaas ang kanyang kikay. "Ha? So mahal mo na agad si Brian?"



Pabiro ko siyang sinipa. Mabuti nalang hindi siya nahulog sa kama ko, nasa condo ko kasi siya. Mom brought this, for me not to commute from school to there. Ayaw niya din akong magdorm dahil kaya naman daw niya akong bilhan ng condo. 





Nagsleep over si Bria. Sinamaan niya ako ng tingin nang makabawi. 



"Hindi kaya! Fake news ka!" 



Binato niya ako ng unan. "Ang defensive mo!" 



Umayos ako ng upo sa kama. "Ano. . . Hindi nga kasi ako. Yung kaibigan ko! Oo tama! Siya! Sabi niya sa'kin nung bata siya crush niya yung bestfriend niya tapos ngayon paglaki nila pakiramdam niya hindi na simpleng 'paghanga' lang ang nararamdaman niya." 



Sinilip ko ang ekspresyon ni Bria.



Tumatango siya nang bigla akong tinignan. "So mahal mo na nga?"



"Parang. . ." Wala sa sarili kong sagot.



Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mata nang marealize ang sinabi ko. 



Malakas na tumawa si Bria. "Aha! Huli ka! Umamin ka din! Akala mo maloloko mo 'ko? Tagal na kitang kaibigan kaya kilala kita 'no!"



Napasapo ako ng noo ko. Para naman kasi siyang nanalo sa loto.



"Ikaw, mahal mo pa ba si Diego?" Bigla kong tanong.



Bigla siyang natahimik.



Ako naman ngayon ang tatawa. "Ano? Sumagot ka!"



Natulala siya kaya hindi niya ako narinig. Yumuko siya at nilaro ang kamay.



Naging sila kasi noon pero nagbreak din. 



"Lagi ko naman siyang mahal. . ." Wala sa sarili din niyang sabi. Nanlaki din ang mga mata niya dahil hindi niya naman yata ipaparinig iyon sa akin.



Hinablot niya ako pero umilag ako. 



"Wala kang narinig!" Aniya habang ako ay tawa lang ng tawa.



"Aha! Huli ka! Umamin ka din!" Panggagaya ko sa kanya kanina.



"Ikaw nga hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo na e'!" Giit niya.



Tinakpan ko ang aking tainga. "Your Honor, hindi ko na po maalala! According to—"



She covered my mouth making me stop. "Okay, hindi ako talo pero ayoko na. Wala naman na tayo sa school pero sumasakit ulo ko sa'yo!" 



I laughed. 



"Bakit ka kasi maglalawyer kung sumasakit pala ulo mo?" Natatawa kong tanong.



Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon