12. Nahulog.
Medyo awkward akong tumayo pero hindi ko iyon pinahalata. "Powder room lang ako."
Tumango lang sila sa akin dahil busy sila.
I glanced at Brian. Ngumuso siya nang hinatak na ng mga kaibigan niya.
Umiwas ako ng tingin at nagmadaling umalis.
Actually, I really just wanted to get away. I was blushing so much that I'm afraid anyone will see me like that!
I went out of the club. The coldness of the night immediately brushed through my skin.
I was busy staring at the stars when I felt a presence beside me kaya nilingon ko iyon.
"Zephyr! Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
Eh halos ka-batch namin ang mga tao dito.
"Susunduin ko lang yung kapatid ko." He said casually.
I don't even know kung sinong kapatid niya.
"Anong section ng kapatid mo?" Tanong ko.
He stared at me like he's trying to read my mind. "A52."
My mouth formed an 'o' at tumango tango ako. So kablock pala namin. Sino kaya? Kilala ko ba? Noong bata kasi kami nasa Spain ang kapatid niya kaya hindi ko pa siya nakita.
"Ano name?" Tanong ko ulit.
"Zelilah Colleen Aguayo . ."
Tumahimik nalang ako nang sinagot niya ang tanong ko. Para kasing ayaw niya ako kausap. Kung ano yung tanong iyon lang din ang sagot niya. Para bang ayaw na niya pahabain itong conversation namin. Feel ko nadadaldalan na siya sa akin.
Hindi na kasi ako sanay na tahimik lang, hehe.
Pero ang familiar ng name. Sandali, saan ko ba narinig iyon? Zelilah Colleen na taga A52. . .
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Tinakpan ko pa ang aking bibig sa gulat, "Si Lilah Aguayo?!"
Akala ko magkaapilido lang sila! At hindi din kasi siya mabait! Sabay. . . Si Zephyr din naman ay hindi mabait sa ibang tao. Snob kaya 'yan.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
Umiling ako.
Napatitig ako sa hitsura ni Zephyr. Grabe! Bakit ngayon ko lang napansin ang resemblance nila?
"Oh, ayan na siya." Aniya pero hindi pa din ako nakaka-recover sa gulat!
I looked at Lilah and back at him. Magkamukha nga sila!
Napafacepalm ako.
Kakaaway palang namin kanina!
Hindi ko alam ano bang nagawa ko sa kanya at lagi siyang may sama ng loob sa akin.
Nagulat na lang ako ng hawakan ni Zeph ang balikat ko. "Okay ka lang? May problema ba?"
Bigla akong natauhan. I awkwardly chuckled. "Oo naman. . . B-Bakit naman hindi?"
BINABASA MO ANG
Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]
RomancePretender Series || Salazar Cousins #2 Blind. A word to describe her. Not literally but figuratively. Why does she keep choosing someone who kept hurting her instead of seeing the one who never left her side? Because that's her. Kasi sobra siya magm...