06. Post.
"So ano, will you agree? Isang beses lang naman." Ngumuso ako at magpuppy eyes kay Zephyr.
Walang nakakatanggi sa akin kapag ganito eh! Hehe.
Umiwas siya ng tingin para itago ang ngiti pero nakita ko naman!
Binalik niya ang tingin niya sa akin pero seryoso na ulit ang ekspresyon. "Kailan ba?" Aniya.
My eyes lit up at napapalakpak pa ako sa tuwa 'cause when you're happy and you know clap your hands! At least even if he didn't agree yet, there's still a chance!
"Friday, after class!" Energetic kong sabi.
He was just intently staring at me kaya umiwas ako ng tingin. I'm not sure if he'll accept it because he's not say anything and his expression is unreachable!
"If only it wasn't only for your picture, si Brian nalang dahil mas friendly siya." Bulong ko sa sarili.
"Fine, I'll do it. Damn it."
Binalik ko ang tingin kay Zephyr dahil tunog iritado ang tono niya. Pati ang seryoso niyang mukha ay may bahid ng pagkairita.
Napangiti ako at inignora ang pagkabadtrip niya. "Thankyou!!"
May sumilay na ngisi sa labi niya pero sobrang saya ko kaya bahala siya! But he looked so amused. Bakit?
Nawala din ang aking ngiti nang kumalma dahil nai-intimidate nanaman ako sa diin ng pantitig niya na parang kapag umiwas siya, bigla nalang akong mawawala like boom!
"Jhane,"
Nilingon ko ang tumawag. Ngumiti ako at kumaway kay Brian na papalapit sa amin ngayon.
I mentally thanked him dahil nakatakas ako sa sitwasyon na ito.
Muli akong lumingon kay Zephyr at friendly na ngumiti. "Thankyou ulit. Uuna na ako."
Isang hakbang ko palang palayo ay nakaramdam na ako ng hawak sa aking pulsuhan. Nag-angat ako ng tingin kay Zephyr, hindi ko talaga mabasa ang mga mata niya hindi tulad ni Brian na expressive.
Wait. Why am I even comparing?
Tatanungin ko sana siya kung bakit pero bago ko pa iyon nagawa ay nagsalita siya.
"Dito ka lang." Aniya. Mahina pero klaro.
I looked away. I couldn't handle the intensity of his eyes. "Tinatawag ako eh." I tried to sound casual despite my nervousness dahil ilang metro lang ang layo ni Brian sa aking likuran.
Dahan-dahan kong kinalas ang kamay ang kamay ni Zephyr sa pulsuhan ko at tinalikuran siya para puntahan si Brian.
"Kailan ba mangyayaring ako naman ang piliin mo?" May binulong siya ngunit hindi ko na narinig.
Tumungo na kasi ako kung nasaan si Brian. I felt my heart race in excitement as I smiled at him.
BINABASA MO ANG
Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]
RomancePretender Series || Salazar Cousins #2 Blind. A word to describe her. Not literally but figuratively. Why does she keep choosing someone who kept hurting her instead of seeing the one who never left her side? Because that's her. Kasi sobra siya magm...