1

786 11 6
                                    

01. Mirror.


Huminga ako ng malalim while enjoying the peaceful air that was brushing through my skin. I'm currently drawing the sun in the sky and waves of the peaceful sea. Nakasalilong ako sa malaking puno kaya hindi naman ako naiinitan kahit may kataasan na ang araw.



I love drawing. People, nature, houses or just anything around me. 



My short hair was getting swayed by the wind, too. But I didn't mind. I was looking at my bracelet with my name carved on it. 


Jhane.


Iyon lang ang tanging impormasyon nila sa akin. Ang pangalan ko.



It has been 10 years since I've been here. Hindi nila alam kung ilang taon na ako noong naligaw ako at dinala sa islang ito. But I was so young, so young to even remember my parents' faces.



Hindi ko din nga alam kung paano ako napadpad dito. Malaki ang pasasalamat ko kina Nay Linda at Tay Omar dahil kinupkop nila ako. Sila na ang tumayo bilang magulang ko.



Hindi din nila itinago sa akin ang katotohanang napulot lamang nila ako at dinala dito. Ipinagpalasalamat ko din iyon. Hindi kasi sila nagkaanak kaya magaan ang loob nila sa akin. Pero kahit na ganon ay nagsisipag pa din ako dahil ayaw kong maging pabigat.


"Jhane! Tiya Linda is calling for you!" Narinig kong tawag ng bestfriend ko.


Si Brian. He's originally from Australia. He can't understand tagalog that much. Pero may ilang words naman na alam niya. Naiintindihan naman niya minsan, hindi lang makapagsalita ng straight.



Matangkad na siya para sa edad namin. He has brown hair, saka ang ganda ng mata at matangos ang ilong—gwapo in short.



Crush ko siya. Humahanga lang naman, hindi naman something deep. At saka ang bata pa namin.



Nilingon ko siya at ngumiti kahit hinampas ng hangin ang buhok ko. "Coming!" 


"Don't run! You might trip!" Sigaw ni Brian ulit. Ngumiti lang ako dahil hindi ko na narinig iyon kasi kumarimpas na 'ko ng takbo. 


Hinihingal tuloy ako nang makabalik sa bahay.


Hindi ganon kalaki ang bahay pero sapat na ito para magkaron ako ng sariling silid. Gawa din ito sa kahoy at kakulay ng langit ang pintura ng kaya naman napakagaan nito sa paningin.


Nakita ko si Nay Linda na inaayos na ang mga binibentang chili paste sa kusina mula sa pintuan ng bahay. Sikat ang chili paste ni Nay linda dito sa Isla.

 

"Nay!" Nakangiti akong lumapit sa kanya at nagmano. 


Sinabi nila sa akin noon na nahanap daw nila akong naliligaw sa parke. Sinubukan daw nila akong dalhin sa police station pero wala namang report na may nawawalang bata kaya dinala nalamang nila ako dahil walang tigil ako kakaiyak.



"Oh, hija, narito ka na pala." Niyakap niya ako at pinunasan ang pawis sa noo ko.



Kumalas ako sa yakap at mas ngumiti. "Kanino ko po iyan ihahatid?" Tukoy ko sa mga chili paste.


"Kina Aling Susan lang sa may tindahan at kina Anteng Leyla dyan sa kabilang kanto." Aniya sabay abot niya sa akin ng mga plastic na may lamang chili paste.


I clicked my tongue at kumindat. "Oki po!" 



Natawa si Nay Linda at ginulo ang maikli kong buhok. "Sige na. Mag-iingat ka, 'nak." Aniya.



Past's Beautiful Present [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon