05

338 16 4
                                    

05


I hate everyone, but my hatred for Xion is unparalleled.


Yung tipong nakokontrol ko pa ang sarili ko sa iba, pero pag-dating kay Xion, hindi. Every time our eyes met, my inner thoughts always won and wanted to hit him. 


Hinihintay ko lang talaga na malinis ang pangalan ng kapatid ko at hindi ako magdadalawang isip pagbuhatan ng kamao si Xion. 



Nang gabing iyon, hindi ako nakatulog dahil bukod sa kumikilala ang katawan ko sa bagong kapaligiran ng kwarto, kinakain ako ng inis na nararamdaman para kay Xion.



Kung wala nga ako sa tamang katinuan, sigurado akong makukulong ako dahil pinakinggan ko ang mga boses sa utak ko. 



I didn't really sleep well, despite the fact that the mattress was nice and the air conditioner kept the room cold. I only got three hours of sleep. Alas-dos ako kinain ng antok at nagising ng ala-sinco. 



Hindi talaga ako nakakatulog lalo na sa kaisipan na may ginagawa at may ginawa akong krimen.



Sleepy, I looked down at the cellphone screen. Kaagad akong binalot nang panlulumo at tuluyang namutlig ang mga luha sa pisnge.



Akala ko malakas ako. Akala ko makakaya ng sikmura ko. Akala ko... kaya kong hindi pansinin si Astre pero nagkakamali pala ako. Dahil bago ako matulog, I flood him with messages.



Cassee:

Love

Hello, sorry. I miss you

Pwede ba tayong mag-kita?

I'll try to explain

Are you mad?

I'm sorry. Really sorry

Mag-usap tayo, Love

Kailan ka free? Gusto kitang makita

I'm so sorry for ignoring you

Natatakot kasi ako

Hey?

Okay hehe see you soon

I'm so sorry :>

Take care, Love. I love you

Online, pero walang replies. 


I sighed and got up from lying down to wash my face in the bathroom. Binuksan ko ang ilaw sa banyo at agad na bumungad sa'kin ang moderno nitong disenyo. A bathroom with only white paint.



Sa gitna ay may sink at sa itaas nito ay may malaking salamin. There is also furnitures and a heater shower. May kalakihan ang banyo dahil sa gilid ay may walk in closet.



Binuksan ko ang gripo at agad na hinilamos ang tubig sa aking mukha. 



I'm very stressed about three things right now.



Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now