32

316 11 2
                                    

32

Growing up, I held a grudge against Xion. Yet, as I grew older, I found myself inexplicably drawn to him.

Hindi pala talaga nakokontrol ang mga pangyayari sa hinaharap.

Akala ko no'ng una, puro galit at inis lang ang mararamdaman ko kay Xion-nagkakamali pala ako sa pagkakaroon ng kaisipan na 'yon. Because, to tell the truth, I do like Xion.

Hindi ko rin alam kung kailan nag-simula... siguro tama nga 'yong sinabi ni Cid. All I want is for someone to love me and give me attention. Marahil nga nahanap ko ang mga pagkukulang na matagal ko nang hinahanap sa mga normal na aksyon at salita ni Xion.

Wala pa kasing nagpakita ng pag-aalala sa'kin... Wala pang nag-tuon sa'kin ng mahabang oras para lang pakinggan ako... Wala pang iniwan ang mahahalaga niyang trabaho para sa'kin... siya lang talaga...

He considers every aspect of who I am... and it makes me feel loved.

Just because of his actions and his words... he makes me feel loved and important.

Pero hindi... Not in a "just" way. Siguro para sa iba, simple at normal lang 'yon. But to me, it means everything.

Hindi sa'kin pinakita ni Astre ang mga bagay na 'yon...

"Tangina, halos lahat ng love languages sinalo ko,"

Tinungga ko ang bote ng alak na hawak-hawak at parang tanga na natatawang humikbi. I immediately felt the alcohol in my throat, so I squeezed my eyes shut. Hinipak ko ang vape na hawak at muling bumaling kay Ian.

We are currently on the terrace, drinking our throats off as if I hadn't left behind not only my passport but also a part of myself, embodied in Xion.

"Ano ba kasing ginawa mo? Kanina pa ako tanong nang tanong, hindi mo naman ako sinasagot!"

I yawned. "Kasi gan'to 'yan..."

"Ano nga kasi?" Bakas ang masidhing pag-tataka at pag-aalala sa mukha ni Ian. Gustong-gusto ko talaga ang reaksyon niya kapag nabibitin sa mga kwento ko. "Tangina, 'yan tayo, Cassee, eh. Parang nakikipag-gaguhan. Iiyak-iyak ka sa harapan ko tapos 'di mo sasabihin 'yong dahilan? Ano 'to?! Guessing game?"

"Pwede bang h'wag kang maingay?" Inarko ko ang kilay ko. "Inaalala ko pa kung paano nag-confess sa'kin si Xion-"

Lumiwanag ang mukha ng lalaki. "Totoo? Tangina? Anong ginawa mo-I mean anong sinabi mo?!"

"Sinabihan ko siyang pabigat lang sa'kin," I leaned my head against the height of the chair with tears running down my cheeks. "Gusto ko rin 'yong tao, Ian... kaso... sinabi ko na lang na ituloy niya 'yong pag-sampa ng kaso sa'kin.... tapos... sinabi ko rin na sana hindi na ulit kami magkita..."

Expressing my true feelings is my weakness. Ayaw ko kasing makita at maramdaman nila kung ano ang totoong nararamdaman ko... Dahil pakiramdam ko, masiyado akong mahina kapag hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman at iparamdam ang mga bagay na 'yon sa ibang tao.

I don't want them to know that I lack attention and love. I therefore act heartless and constantly irate with others.

"Sasampahan ata ako ng kaso ni Xion..."

"Masakit ba?"

Umangat ang tingin ko sa kaniya at umirap. "Bobo mag-tanong ampota. Malamang, oo!"

"Bobo ka kasi," Malakas niya akong hinampas, gigil na gigil na. "Aarte-arte kang malakas sa harap nila tapos kapag nakatalikod at wala ng tao, iiyak-iyak ka na tapos magmumukmok! Everything can change if you show your true feelings, kaso wala! Bobo ka kasi!"

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now