08
My brain was filled with what ifs, questions that I don't know if there is an answer. And my curiosity was piqued.
Alam ko na ang totoo. I am confident that Cid did not kill Polca. At alam kong ang tanging nararapat ko lamang gawin ay magpanggap na si Cid, but I can't stop myself from being curious about the small details of the incident and end up investigating.
I think... it was him.
Ilang minuto akong nanatili sa itaas matapos makipag-argumento kay Xion hanggang sa tawagin niya kaming lahat upang gawin ang pag-u-unat ng mga buto namin.
"Ang aga naman, Captain! Antok na antok pa ako, eh!" Bulaslas ni Bulkan.
Xion looked at him and grinned. "Mukhang puyat na puyat ka nga. You should sleep more. Kaya sige, h'wag ka munang sumama sa'min ngayon."
"Legit ba?!" Nanlalaki ang mata n'ya sa gulat at tila ba hindi makapaniwala.
I heard Ben groaned. "Unfair naman!"
Ace agreed with Ben. Nakita ko ang mabilis na pag-labas ng brace niya nang ngumiti siya. Hindi ko ipagkakait na pogi si Ace. To be really honest, I only watch Ace when Ian makes me watch TVOT's game.
Siya lang kasi ang mukhang mapagkakatiwalaan dahil tahimik siya at mahiyain. Hindi katulad ng Captain nila na si Xion, makapal ang mukha.
"It was fair. Kasi magi-stretch siya ng mag-isa mamayang gabi hanggang madaling araw."
Umismid ako, gustong mag-salita ngunit hindi makasingit kaya nag-kibit balikat na lamang.
I heard Bulkan's sarcastic laugh. "Joke lang. Nakatulog na ako, hindi ko na kailangan matulog. Sapat na sa'kin yung two hours of sleep, hehe. 'Di mabiro 'to si Captain, eh!"
"Sige na, matulog ka na, Mount. Papanoorin ka na lang namin mamaya mag-exercise." Ace joked.
Mabilis na nilingon ni Bulkan si Ace at sinamaan ng tingin. "Gago ka ba? Sinong tanga ang mag-e-exercise ng gabi?"
"Ikaw." Singit naman ni Ben kaya nag-tawanan silang tatlo nang mapansin ang inis na mukha ni Bulkan.
"Let's just wait for them. Malapit na rin naman sila." Usal ni Xion habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.
Kumunot ang noo ni Ace. "Them? Who's them?"
"Sina Sage." Hindi man lang nilingon ni Xion ang kagrupo na kinakausap siya dahil abala ito pagtitipa sa kaniyang cellphone.
"Tapos na training nila?!" Takang tanong ni Ben sa lalaki.
"Oo nga."
I rolled my eyes when I heard Xion's irritated voice while answering his male friends. Talaga lang, hah? Tinatawag niyang captain ang sarili niya na may gan'yang kaikling pasensya? Ni hindi man lang marunong makisama.
Mabuti na lang at mukhang mabait at maunawain ang ka-grupo niya para pakisamahan siya. Pero ibahin niya ako sa kanila. Because if his patience is short, my patience is even shorter.
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomanceAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...