26
To be honest, I'm an anti-Xion.
I have a ton of fake and dump accounts that I use to attack him and ruin his reputation. Ang toxic pakinggan pero halos ako ang nauuna sa comment section kapag may bago silang post, just tp throw hate at him.
Hindi ko rin alam kung saan nag-simula ang galit ko sa kaniya. Siguro, noong sinabi sa'kin ni Astre na si Xion ang kalaban niya sa industriyang ito.
I'm really devoting time to this matter despite my busy schedule. Suki na nga ako sa bilihan ng SIM cards dahil tatlong account lang ang pwedeng gawin sa isang numero.
And upon hating him, I found out that he was an only child.
Ang pagkakarinig ko pa nga, lumaki siya sa mayaman na pamilya pero wala siyang nakukuhang suporta galing dito. They didn't support him in what he wanted, nor did they watch him play internationally.
Hindi lang ako sigurado kung totoo.
I woke up with a headache from a sleepless night. Halos isang linggo na rin simula nang mawala si Cyren at dahil doon, hindi na rin ako nakakatulog nang maayos kakaisip sa kung anong pwedeng gawin para mahanap ang anak na babae.
Tuwing gabi ay tumatawag sa'kin si Ian para manghingi ng update tungkol kay Cyren. Nasa labas kasi ng bansa ang lalaki ngayon dahil sa kontrata na matagal niya nang pinirmahan. Mabuti na lang at nagagawa niya akong tawagan kahit na sobrang abala niya ro'n.
I sat up on the bed and let the sun beam on my skin as I peered out the window.
Sincerely, there are a lot of unspoken thoughts I have about life. Katulad na lang nang paulit-ulit at tila ba walang katapusan na mga gawain. The pattern continues when you wake up, eat breakfast, clean the house, take a shower, work, eat lunch, work, eat dinner, and then rest for a little while.
Halos gan'yan araw-araw ang ginagawa ko sa buong buhay ko. Wala man lang bago at minsan nga ay nakakasawa na.
Life is miserable. I'm sick. Surviving is awful.
Tumayo ako at inayos ang kama ko. I had just gone to sleep, but I got up early since I had to meet Astre in front of the subdivision. Ngayon lang kasi may libreng oras ang lalaki para makipag-kita sa'kin. At kung hindi ko naman pagbibgyan, baka ako rin ang magsisi sa huli.
I brushed my teeth and changed my clothes before going downstairs to have breakfast. Kumakalam na ang sikmura ko at hindi ko na kayang tiisin pa kahit wala akong gana kumain. Kakain muna ako bago makipag-kita kay Astre.
"Ang aga naman magising ng disney princess,"
Bumusangot ako kay Ben nang mag-salita siya dahilan upang tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sa'kin. Si Sage at Xion lang ang kulang sa kanila, 'yong dalawang 'yon lang naman kasi ang seryoso sa buhay nila.
"Good morning, Cid!" Bati ni Jethro at muling bumalik sa ginagawa niyang pag-luluto ng umagahan. Tumango naman ako sa kaniya.
"Morning, Cid, naubos na ulit namin 'yong new copies ng missing papers ni Cyren. Mag-papaprint na lang ulit kami mamaya—"
I cut Nick off and walked towards them.
"May balita na kami kay Cyren, h'wag na muna kayong mag-print ng posters."
Tumango silang lahat sa sinabi ko kahit na alam kong may gusto silang itanong.
"Kaya pala lagi kayong magkasama ni Captain." Ace smiled slightly and wiggled his eyebrows as he looked over my entire face.
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomansaAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...