35

271 10 0
                                    

35

I was a girl who always ran for everything. Whether it was from my fears, my responsibilities, or my own emotions, I was constantly on the move, seeking solace in the fleeting moments of distraction. 

I may put up walls, but deep down, I'm just a girl who craves acceptance and understanding amidst the chaos of fear and uncertainty.

Pero ngayon, napagtanto ko na mas lalo kang mahina kapag hindi mo hinarap ang mga kahinaan at kinakatakutan mo.

"Ma'am, kayo po ba si Cassee?"

Umangat ang kilay ko at bahagyang napalunok bago tumango sa babaeng nasa harapan ko. I scowled as I swiftly examined the girl's entire physique. Nakasuot siya ng light blue na uniporme na may nakasulat na MNB sa may dibdib.

"Miss Cassee?" 

"A-Ano?"

"Papirmahan na lang po ito. Ito na rin 'yong host ticket para sa event at 'yong script," She pouted while she waited for me to sign the document. "Congrats pala, mukhang na-amaze sa 'yo si Sir Sanders kaya tinanggap ka agad." 

Hindi ako nakasagot agad. Pinagbalik-balik ko ang tingin ko sa kaniya at sa papel na pinapapirmahan niya sa'kin. My mind is still processing. Maski ako ay hindi makapaniwala na natanggap ako nang ganoon kadali. 

And they invite me to host the big event that takes place tomorrow night.

"Paano kapag ayaw ko—" Kusa kong tinigil ang sinasabi at nilunok ang sariling laway nang mahagip ng mata ko ang isang pangungusap na nagmumula sa papel. 

They proposed paying me three times what I had been making recently. Mariin akong napapikit, napabuga ng hangin at napakamot sa batok. It's difficult to choose... My pride always gets in the way of my desires. 

Tangina. It's me against myself all the time! 

Halos dumugo ang utak ko sa matinding pag-iisip. I knew the moment I signed the document, my path would be different and would have many consequences to face. 

I'm not prepared to deal with them. in particular, him...

Hindi ko pa alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya sa oras na magkita kami. Baka nga matutop lamang ako sa harapan niya at hindi makapagsalita. because the long-standing question I have remains unanswered.

"Galit pa rin ba siya sa'kin?"

Ngumuso ako at mariin na kinagat ang itaas na labi. Even though I'm not sure if we'll meet in that big event, my anxiety is so great that my hand is shaking and my heart is pounding. 

"Hindi ko alam. Sigurado ka bang maglalaro 'yon bukas?" Asked Ian.

"Hindi ko rin alam, akla! Gusto ko na tuloy mag-back out!"

Ian laughed. Sinarado niya ang cutics na hawak at tuluyang pinukol ang atensyon sa'kin, ingat na ingat na hindi masagi ang kuko niya. "Eh 'di mag-back out ka! Kung pwede lang naman, kaso hindi na."

Halata sa tono niya ang pang-aasar. It was as though he was finding great joy in witnessing my hesitation and struggle in the current situation. 

Hindi ko talaga alam kung bakit nagkaroon ako ng demonyong kaibigan. 

Napahilot na lang ako sa sariling sintido. "Tangina kasi talaga! Bakit ba ako nasilaw sa pera na inalok nila sa'kin?! Kusa tuloy gumalaw 'tong kamay ko tapos pinirmahan 'yong putanginang kontrata!"

Actually, I did sign the agreement. 

Inisip at tinipon ko pa ang lahat ng pwedeng hindi magandang mangyari... babagsak lang din pala ako sa pagpayag sa kabaligtaran ng mga iniisip ko. Sino ba naman kasing hindi masisilaw sa pera na inalok sa'kin?

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now