31
Hindi pa man din ako nakakaapak sa loob ng korte, hinahanap na ng mga mata ko ang presensya ni Xion. And I had no idea he was watching and listening to my papa as he unveiled me.
Binigkas niya ang pangalan ko ng puno ng galit at pagsisisi.
Galit na galit siya... His tightened jaw and dark bloody eyes communicate his anger. Alam kong gusto niyang manakit pero nangingibabaw ang pagtitimpi sa kaniya.
"Maniwala ka sa'kin, Xion..." I almost beg for his ears. "Let me explain. Pakinggan mo naman ako, please—"
Kusa kong pinutol ang sinasabi nang maramdaman ang pag-yapos ng panghihina sa katawan ko.
I glanced away and looked back at Xion with a blank face. There were no emotions, but the sad and begging feelings were evident in my face.
Gusto kong tanungin kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Now that he knows the truth, I want to be sure of what he plans to do with me... kung may balak ba siyang ipakulong ako katulad ng ginawa niya sa tatay ko?
"Look, Xion... I am not afraid of fucking consequences... Kahit ipakulong mo pa ako... But at least, please lend me your ears just this once,"
"Bakit pa?" Xion laughed sarcastically. Malagkit ang tingin na pinupukol niya sa'kin, para bang diring-diri siya sa buong pagkatao ko. "Don't make me believe anymore... H'wag mo na akong paniwalain na may pagkakatiwalaan pa ako."
Mabilis akong umiling.
"I'm not asking for us to be okay after what happened... I just want you to know my stories," Isang bulto ng luha ang nahulog mula sa mata ko. "Kasi... biktima rin ako, eh."
They used me. I'm also a victim...
Napaangat ako ng tingin nang mapansin ang pag-hugot ng malalim na hininga ni Xion at muling mahinang tumawa. He clenches his jaw and fist in an attempt to calm his racing mind down.
"Sigurado ka? Biktima?" Puro ng pagiging sarkastiko ang tunog ng kaniyang tono.
Bahagya namang nahulog ang braso ko. He doesn't believe me anymore... para bang lahat ng sasabihin ko ay kasinungalingan para sa kaniya.
"Bakit hindi mo kasi ako pakinggan, Xion? Just this once—"
"Bakit?" Ulit niya sa tanong ko habang ang isang kilay ay naka-arko. "Kasi natatakot na ako sa 'yo... you are a pack of lies,"
Trust is like a glass; once it breaks, it will never mend.
"Akala ko pa naman-kilalang-kilala na kita," May emosyon sa mga mata niya na hindi ko mawari at maipinta. "Ibang tao pala 'yong kinilala ko."
His words feel like a knife that has been stabbed in my back. Paulit-ulit akong lumunok at kumurap, hindi ma-iproseso ang mga pangyayari. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko at napalunok na lamang nang mapagtantong wala na si Xion sa harapan ko.
I understand Xion's anger toward me.
Sanay naman akong galit siya sa'kin. Pero ang gulo kasi... hindi ko maintindihan kung bakit gan'to ang naging reaksyon ko nang malaman na galit siya sa'kin. May kirot sa puso ko ngayon na hindi katulad ng dati na halos tawanan ko pa ang ideya na galit siya sa'kin.
Is it because I'm too much?
Isang buong gabi kong dinamdam ang mga salita na nanggaling sa bibig ni Xion na tila ba ayaw ng kumawala sa pagkakasaksak sa'kin. It permeated my entire being... maging ang lalamunan ko ay nagkaroon ng malaking bara.
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomanceAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...