07

404 12 2
                                    

07


Buong gabi ay hindi ko nireplyan si Papa.



Dahil nakukutuban ko na hindi lang umiikot ang kaso na 'to kay Cid, Polca, at Ben. I know someone else is involved in this crime... and I think I know him.



Pero ayaw ko naman munang manghusga lalo na't minsan ay nagkakamali ang hinala ko. 



"Bakit ka tumawag?" Tanong ni Ian nang sagutin niya ang tawag ko.



I groaned. "Kausapin mo ako, boryong-boryo na ako sa lugar na 'to."



"Puntahan mo ako rito—"



"Hindi nga pwede, e. Hindi ako pwedeng umalis sa camp na 'to hanggang tuesday pa," I inhaled. "Putangina kasi ni Xion, ang corny-corny. Gawa-gawa pa siya ng rules na kapag natalo niya ako, suspendido ako sa pag-labas."



Narinig ko ang pag-tawa niya dahilan upang ma-insulto ako. 



I knew he was laughing at me because Xion defeated me. Lalo na sa kaisipan na sobrang taas ng tingin ko sa sarili ko at pinagyabang ko pa sa lahat na matatalo ko si Xion. Pero sa huli, he beat me.



"H'wag mo nga akong tinatawanan—Hindi ka ba aware sa word na chamba?"



Mas lalong lumakas ang tawa niya at kulang na lamang ay mabilaukan na siya. I rolled my eyes as I put down the cellphone of mine on top of the table and tied my hair in the middle. Nag-iwan ako ng takas ng buhok at suminghap ng hangin.



I am currently here on the terrace. 



Bored na bored naman na kasi ako sa buhay ko rito sa gaming camp na 'to. Pakiramdam ko nga, anumang oras ay masisiraan ako ng bait. Wala akong kausap, wala akong kasama, at ang tahimik pa. 



I'm losing my mind.



Gusto ko na lang talagang saksakin si Xion. I'd rather be in jail than stay here. Sa palagay ko, mas gugustuhin ko pang makasama ang mga nakakulong kaysa ang maka-sama si Xion na daig pa nakatakas sa kulungan. 



"Si Xion Achilles Sanders 'yan, bakla. Hindi uso chamba riyan, 'no!" 



The corners of my eyes crinkled. "E, anong gusto mong i-point out ngayon?"

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now