23
"Kumukuha sila ng bata para pag-experimentuhan, so that... their products will be perfect,"
"Paano ka naman nakakasigurado?"
It's so hard to trust Jaena because of what happened. Totoo nga ang sinasabi nila, kapag nasira mo na ang tiwala ng isang tao, hindi na ito maibabalik ulit. Or else, it will take time.
Aside from that, kilala ko si Tita Beth. Alam kong hindi niya gagawin 'yon.
"I heard them talking,"
"Kung totoo ang sinasabi mo, Why didn't they just take animals instead of innocent children?"
Can't they just inject animals? O kaya naman... mga sarili na lang nila. Hindi 'yong nang dadamay sila ng mga tao na nananahimik. Dagdag lang sila sa bigat sa bansa, eh.
"Siguro sa isip nila, mas magiging maganda 'yung products kapag sa tao mismo pinag-aralan,"
"Nasaan 'yung warehouse, pupunta ako-"
She cut me off causing me to stopped.
"Hindi pwede, Cassee. Kapag nahuli ka, baka hindi mo na makuha pabalik si Cyren," Her tone became serious. "We need to plan this before taking action, Cassee."
Mariin akong napapikit, ramdam na ang pagod na namamalagi sa katawan.
"Paano naman?"
I will give it a shot. Gusto ko lang talagang makita si Cyren. At kung totoo man ang sinasabi ni Jaena sa'kin, mas maganda. Pero kapag hindi, I will never trust anyone again.
"One of us should go to their Salon and get treatment... tapos sasabihin na nasira 'yung pinaayos at may bad effect sa katawan. Then, pupunta sa warehouse at doon magrereklamo."
Napangiwi ako sa sinabi niya. "Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?"
"I'm hundred percent sure, Cassee," I heard her sigh. "Gusto ko sanang ako ang gumawa pero bawal ako sa amoy ng gamot... I'm pregnant."
Oo nga pala... pero... should I trust her? The whole world knows how I have second thoughts about what she wants to happen.
"Alam kong mahirap ulit ako pagkatiwalan, Cassee, but... give me one more chance please."
"Copy," I nodded my head. "I'll go to RedvelBeth Salon."
I let the days pass and spent the hours circulating the missing posters. Kung saan-saang lugar ko na ikinalat ang mga posters, kulang na nga lang-bawat dingding ng bahay na madadaanan ko ay lagyan ko na rin.
Pagkauwi naman, I'm forcing myself to live stream even if only for three hours.
"Shit, pagod na ako,"
Cyren has been missing for a week and we still have no news. Maging ang pulisya ay wala man lang kahit kaunti na balita para man lang gumaan sana ang loob ko at makampante.
"Kakatapos ko lang mag-live stream," Anunsyo ko pagkasalpak ng sarili sa malambot na sofa.
Nick rolled his eyes. "Nanonood nga ako tapos nag-i-spam ng comment, hindi mo naman ako pinapansin."
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomansaAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...