Wakas

399 13 2
                                    

Behind the vile

Deceptive. Dirty. Selfish. Evil. Vile.

People like that are disgusting.

And there's only one way to deal with those kinds-you trample them before they trample you.

"Ito lang yung CCTV footage na nakuha namin malapit sa Resto bar,"

Tahimik kong kinuha ang USB sa ibabaw ng lamesa at sinalampak ito sa laptop ko. Upon viewing the clip, all I could feel was intense rage and grief.

I exhaled and clenched my jaw.

They killed Polca... no... he killed Polca.

"Cid Acosta killed Polca," I announced to my teammates. Lahat sila ay binalot ng pagtataka at labis na pagkagulat.

"Paano ka nakakasiguro, Captain?" Mountain asked, trying to confirm if it's true.

Napadaing naman ako. Kasalukuyan kaming nasa back stage dahil kakatapos lang ng laban. And it feels like there was another enemy to fight with.

"Joke," Mountain clenched his teeth and made a peace sign. "Naniniwala na ako, Captain," He paused for a minute. "Pero hindi ako maniniwalang wala kang kahalikan."

Jethro examined my whole face with a frown and then widely smiled. "Shet, walang first love pero may first kiss."

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang repleksyon ng sarili sa blangkong screen ng cellphone. Halos mapamura naman ako sa isipan ko nang makita ang pulang kiss mark sa labi ko.

I scowled as I felt the heat on my cheaks and wiped the mark off my lip. Hiyang-hiya ako na nag-iwas ng tingin sa mga kaibigan na hanggang ngayon ay pinapaulanan ako nang pangkakantyaw.

"Sino 'yan, Captain? Spill naman!"

Hindi ko rin alam kung sino 'yon... but I swear she's familiar to me.

Bakit niya kaya ginawa 'yon? Avid fan ba 'yon? Pero... Sobrang higpit ng security sa backstage, imposibleng makakapunta siya ro'n.

Freak, whoever she is-she stole my first kiss.

Ilang linggo akong hindi nakatulog kakaisip kung sino ang nagnakaw ng halik sa'kin. I don't know what I really feel. Para bang may malaking harang sa isip ko na nagiging dahilan para hindi mawaglit sa isip ko ang humalik sa'kin.

Ang bilis kasi ng pangyayari.

Ang tanging natatandaan ko na lang ay ang kayumanggi niyang mata.

"Xion, attend the conference meeting tomorrow, okay?"

Kakasagot ko pa lang ng tawag ngunit ayan agad ang bumungad sa tainga ko. I inhaled and exhaled before playing with my hands in the mug of my coffee.

Hindi ko alam kung bakit ako nadidismaya sa pinapakita sa'kin ng babaeng nag-silang sa'kin-I should just accept it and get used to it.

Dapat tanggapin ko na ang ideya na hindi ko maririnig ang mga katagang kamusta? kumain ka na ba? Ayos ka lang ba? galing sa kaniya.

"Nga pala, nakita ko ang history mo... ang pangit ng standings mo. Ano na? anong nangyayari sa 'yo? may problema ka ba?"

I gasped for air. "Hindi po ako masiyadong makapag-focus... naghahanap po kasi ako ng military school-"

"Military school? Nag-iisip ka pa ba, Xion?! I have repeatedly advised you to give up on your dreams of joining the military! Ang ayos-ayos na nga ng buhay mo riyan sa camp, hahanap ka pa ng sakit sa ulo ko!"

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now