21
"Wala po ba kayong nakitang batang babae na maputi, medyo matangkad, hanggang balikat ang buhok tapos may malaking red ribbon 'yung ulo?"
Pinangkunutan niya lang ako ng noo.
"May eye cancer na batang babae... may hawak na tablet... may pink na ribbon sa ulo tapos nakasuot ng red t-shirt at black maong short?" I described to Cyren, expecting her to nod and say she saw my baby.
Ngunit nang umiling ang matandang babae na hinarang ko ay mariin na lamang akong napapikit at wala ng nagawa pa. This is my twentieth attempt to find Cyren among the people passing by.
Nakakainis... bakit ni isa sa kanila, walang nakakita kay Cyren?
I inhaled deeply before turning to face the next woman I blocked on her walk.
"May nakita po ba kayong batang babae... may hawak na tablet... may pink na ribbon sa ulo tapos nakasuot ng red t-shirt at black maong short?"
With a bewildered shake of his head, the man just kept moving forward.
Tangina naman.
Halos mapahalukipkip ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa'kin. With a sigh, I kept getting in the way of people going by so I could ask them if they saw Cyren.
Pero... iling at hindi pag-tango ang nakukuha kong sagot nila sa tanong ko.
Aaminin kong pagod na ako. Pero alam kong walang mangyayari sa buhay ko kapag tumigil ako para mag-pahinga kahit saglit.
Ian knows how greedy I am to find Cyren.
"Akla, tama na muna. Bumili muna tayo ng kape ro'n,"
I turned around and faced Ian. Alas-sinco na ng umaga ngayon at kasalukuyan kaming nandito ni Ian sa xerox and print area para mag-print ng missing posters ni Cyren.
We already printed a wrap of short bondpaper and I decided to give a reward to whoever finds Cyren. Ganoon naman kasi lahat ng tao rito... hindi sila kikilos hangga't walang kapalit na iaalok.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi ko na ulit nakita si Cyren, Ian,"
Sa mundong kinatatayuan ko... si Cyren ang mundo ko. My world revolved around her. She is the only reason why I continue to live in this chaotic and incomprehensible world.
I can't feel anything but the heartbreaks and the feeling of losing a loved one.
Ang bigat sa pakiramdam... I lost Astre and couldn't find Cyren...
Bakit naman sumabay pa... hindi ko naman kaya 'yung isa, eh. Hindi naman ako malakas.
"Ipapasundo na lang muna kita kay Xion,"
Mabilis akong umiling. "Hahanapin ko muna si Cyren bago ako bumalik sa Camp, Ian."
"Baka sila naman iyong mag-alala sa 'yo, Cassee,"
Bahagya akong natawa. "Wala akong paki, Ian. Hahanapin ko si Cyren."
Every time Ian tried to send me home because he said I needed to rest, my mouth sounded like that.
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomanceAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...