28
This is not the first time I feel butterflies in my stomach.
Maliban kay Astre, ang mga fictional characters, kpop at mga gwapong bidang lalaki lamang sa teleserye ang may kakayahang magpakalabog ng puso ko nang ganoong kalakas.
And it makes me even more confused... knowing that hug gives me butterflies in my stomach. Hindi nga lang ata mga paru-paro, ngunit maging ang kidlat na tila ba kumukuryente sa buong pagkatao ko.
Fuck...
Do i like him?
Pero kasi, hindi naman ako naniniwala sa katagang the more you hate, the more you love. Para sa'kin kasi... When I don't like someone, I really don't like them till I turn into a bone and decompose.
Maybe because I haven't hated him from the beginning?
Damn. That man is really something. He was driving me insane.
"Okay, sige na nga... Pero hindi kasi talaga, e." Kinagat ko ang balat ng hinlalaki ko habang ang tingin ay tila ba tumatagos sa kalawakan.
"Huh?"
Kaagad akong nag-angat ng mata at mabilis na tumama ang mga ito sa mata ni Xion. My eyebrows rose as my eyes widened. Halos kapusin ako sa hininga kaya mabilis akong nag-alis ng tingin.
Tangina, hindi ko na tuloy alam kung paano siya kausapin ng normal!
"Sinong kinakausap mo?" Sinipat niya ang likuran ko at nagkasalubong ang kilay. "Nakakatakot ka naman, nag-sasalita ka mag-isa—"
Umirap ako. "Hindi ko naman sinabing mangialam ka. Malay mo, nakakakita pala ako ng multo."
"Ang corny mo naman mag-joke," Umupo siya sa tabi ko kaya naman agad akong napalunok. "Oh, binilhan kita."
Tiningnan ko ang bote na inilahad niya sa pagitan namin at muling umangat ang mata sa kaniya. I disguised my expression and turned to face him when I noticed that he bought mango-flavored zesto in a can.
"Sabi ko Soju ang bilhin mo, hindi Zesto! Ginawa mo pa akong bata!"
Ito ang sinasabi ko, hindi talaga ako magkakagusto sa isang 'to dahil kuhang-kuha niya talaga ang inis ko! I wish to smash his face like the zesto can he got me.
He patted my head with his cold hand because of the moisture in his drink and laughed at me. "Ang arte mo, magpasalamat ka na lang dahil binilhan pa kita."
Awtomatikong umikot ang mga mata ko. "Sa 'yo na 'yan! Lunukin mo pati lata."
Tangina, baka ulcer ko lang 'yong nararamdaman ko. Hindi paru-paro sa tiyan.
"Nasaan na sila? Ang tagal naman?"
I rolled my eyes and faced him. "Umalis ka na lang kung nag-mamadali ka. Masiyado kang atat, pukpok ko sa 'yo 'yang lata ng Zesto na binili mo."
"Kalma, para kang bata na nag-tatantrums."
I made a face and gave him the middle finger.
Kasalukuyan kaming naka-upo sa harap ng convenience store. We went straight here to buy something to drink because we were both thirsty. Tirik na tirik din kasi ang araw kaya mabilis makatuyo ng lalamunan. We, even plants and animals, must be hydrated.
At isa pa, nag-desisyon ako na dito na rin papuntahin sina Astre. Tutal malapit lang din naman sila rito. We talked to meet last night. Ewan ko lang kung bakit ko sinama si Xion, nakakasira lang tuloy ng araw.
YOU ARE READING
Unveiling the vile behind
RomantikAfter agreeing with her father's order to pretend to be her twin, Cassee Yvonne Acosta called herself vile. Kahit puno ng pag-aalinlangan, walang siyang nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng tatay niya kapalit ng pera na pangpaopera sa kaniyang anak...