chapter 3

305 21 0
                                    

Nagising ako sa isang katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako sa isang katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Pupungas-pungas pa akong umupo mula sa kama at tumulala. Maya-maya lang, nakarinig ulit ako ng katok, kasabay noon ay narinig ko na nagsalita si Daddy.

"Nak,Wake up. You're going to be late."

"Gising na po," mapaos-paos kong sagot dito.

Saglit pa akong tumulala bago nagsimulang mag-ayos.

Pababa na ako ng hagdan, hawak-hawak ang bag ko, papuntang dining. I haven't even fully entered yet when I hear another update on the news about the virus. Hindi na talaga pedeng baliwalain ang tungkol sa virus na 'to, buhay na ng mga tao ang nakasalalay dito.

Nang tuluyan na akong nakapasok sa dining, nakita ko si Dad na may hawak na mga papel. Habang binabasa niya ito, umiinom siya ng kape niya. probably about his patients. Nagkibit-balikat na lang ako bago kumuha ng kanin at napakaraming bacon.

"My favorite!"

Akmang susubo na ako nang biglang tumikhim si Daddy.

"Eat some steamed vegetables, Luna," stiktong utos nito.

Mukhang napansin nitong puro karne lang ang kinuha ko. Kala ko pa naman makakalusot na ako dahil mukhang busy siya sa binabasa niya. Nakangusong kumuha ako ng tig-tatlong piraso ng carrots, broccoli florets, at cauliflower florets. Habang kumukuha non, hindi ko maiwasang mapangiwi. I really don't like the taste of these vegetables.

Ayoko ng lasa ng gulay!

Except for potatoes, because I love eating fries, especially as a midnight snack. I even make potato chips when there are no ready-to-eat fries in the fridge. I have no other choice but to make potato chips.

Wala akong takas sa tatay kong hanggang ngayon ay binabantayan ang pagkain ko. As soon as I took my first bite, I felt like spitting it out. I forgot that he only cooks vegetables on Mondays, Wednesdays, and Fridays.

Nang maubos ko lahat ng gulay na nasa plato ko, parang nag-twinkle ang mga mata ko dahil sa bacon na kanina pa naghihintay sa plato ko.

"Luna, I might come home late tonight because I have a lot of patients today."sabi niya na ikinatango ko. Sanay na ako dahil isa siyang doktor, isang neurologist na doctor to be exact, at may mga pagkakataon talagang late siya umuuwi.

Nakakapagod 'yon.

Minsan nga, narinig ko mula sa telepono nang tawagan niya ako ng madaling-araw na pauwi na raw siya. I could hear in the background the voice of another doctor, his colleague, inviting him to just sleep at the hospital. Since each of their offices there had rooms where they could rest, sangayon naman ako doon dahil nakakapagod nga naman ang magpabalik-balik. Imbis na 20 minutos na biyahe, napahinga na niya at hindi na niya kailangang magda-drive pauwi. Kaya ko rin naman ang sarili ko. 18 years old na ako at legal na ang edad ko third year college na ako sa kursong Master of science in Clinical Medicine (Obstetrics and Gynecology). Pero ang aking magaling na ama na feeling bagets pa sa edad na 47, mukhang proud na proud at sinabi,

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon