Pagkayari din naming kumain, ay nagpahinga narin si Tito Nicholas. Gigising na lamang daw siya mamayang alas dos para makaalis kami. Pinagpahinga niya muli ako, kaso hindi na ako nakatulog ulit kaya ilang oras na din siguro akong nakatulala habang nag-iisip-isip nang kung ano-ano na pumasok sa isip ko ang drawing ko at ang balak kong gawin sa sasakyan. Inabot ko ang aking bag at kinuha ito. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Iniayos ko lamang ang ilan dito na hindi ko na napansin ang oras habang inaayos ang plano ko. Gagawin ko ito sa Pilipinas. Baka magtagal rin kasi ako roon kasi hahanapin ko pa si Tito.
Hindi ko na namalayan ang oras at nakaidlip rin ako. Hanggang sa katukin nalang ako sa kwartong kinalalagyan ko. Nataranta pa ako at binuksan ang pinto.
"Mag-ready ka na at maya-maya lamang ay aalis na tayo," sabi ni Tito Nicholas.
"Ah sige po, sige po," sagot ko dito at iniwan na siyang naka-tayo sa pintuan para iligpit ang mga gamit ko. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong 2:15 am na pala.
"Ikaw ba ang gumawa nito?" napalingon akong muli kay Tito Nicholas nang magtanong ito at sa muli kong pag-lingon ay hawak na nay ang drawing ko.
"Opo, balak ko po sanang gawin ganyan ang sasakyan sa bahay namin sa Pilipinas at gamitin sa paghahanap kay Tito," tumango-tango ito at namamanghang pinagmasdan ang ginawa ko bago ngumiti sakin at kinuha ang lapis at kumuha nang kapirasong papel at nag-sulat doon.
"Heto, puntahan mo ang address na 'yan. Doon ka makakakuha ng magagandang materyales para sa gagawin mo o kaya sa kanila mo narin ipagawa. Sabihin mo lamang ang pangalan ko at paniguradong lalagyan nila yan ng discount. Ipatingin mo na rin ang sasakyan na gagamitin mo sa kanila para makita kung ayos pa ba iyon at pede pang gamitin sa tagal nyo dito. Baka nasira na yun."
"Maraming salamat po," inaya ako nito palabas at kakain muna daw kami bago mag-byahe.
Ngayon ay papasok na kami sa private jet na gagamitin namin. Sabi nya, mag-stop over daw kami sa kalapit na bansa at sasamahan kami nang ka-kilala nya para rin may ka-tulong sya sa pag-papalipad nang jet dahil mahigit kalahating araw din ang byahe namin papuntang Pilipinas.
Nang maka-pasok kami, dala-dala ang mga gamit ko, nakasukbit din ang katana sa likod ko. Hindi ko maiwasang mamangha nang makita nang tuluyan ang loob non.
Binilinan nya rin ako nang mga kailangan kong gawin.
Nag-simula na kaming umandar papataas. Ilang sandali lang ay naging stable na rin ang lipad namin sa himpapawid at dahil sa kakulangan sa tulog, nakaidlip ako. Nagising na lamang ako dahil may nagsalita sa speaker na siguradong si Tito Nico, sinasabing malapit na kaming mag-landing.
Nang tignan ko ang orasan ko, nakita kong dalawang oras na pala kaming nasa himpapawid at dalawang oras na rin akong nakatulog. Makailang sandali pa nang maramdaman kong pa-landing kami.
Kumain muna kami habang hinihintay ang co-pilot na sinasabi ni Tito Nico.
"Captain Nic!" napalingon kami nang may tumawag kay Tito. Naka-sukbit din ito ng pang-pilotong uniporme. Tumayo kami at hinintay itong lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Dark Awakening (Rise of the living dead)
Action"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."