chapter 18

268 19 6
                                    

"Jusko, ang mga alaga ko!" Biglaang sigaw ni Mang, at niyakap ang tatlo, samantalang ako ay nataranta na lalo at nag-echo ang boses ni Manang, kasabay ang mga yabag na tila nag-hahabulan.

"Hala!" Taranta lalong sabi ko, at hinanda ang katana.

"Kailangan na nating makalabas dito!" sabi ko sa kanila.

Mukha din silang nataranta nang marinig ang mga yabag, na tila ay nagtatakbuhan. Kaagad namang nagkilos at tumakbo sila patungo sa kabilang hallway, na ang labas ay sa kusina at dining. Tuloy-tuloy kaming tumakbo palabas sa sala, sa malaking front door. Wala nang mga zombie doon na naroroon kanina dahil hinahabol na nila kami ngayon.

Para lamang kaming mga tanga na nagkahabulan sa loob ng bahay. Malapit na kami sa front door nang biglang dumamba kay Hav, na pare-parehas naming kinagulat. Buti na lang at naging alisto si Argus, at napagpatay niya iyon kaagad. Binalikan ko ang pagbukas ng front door para makalabas, pero iyon din ang dahilan kung bakit lumiwanag at mas napansin kami ng mga zombie.

Nang makalabas, isasara ko pa sana ang pinto, pero hindi na nagawa dahil sa dami ng mga zombie na naka-sunod sa amin. Mukhang sila ang mga staff ng mansion na bahay na ito.

"Rav, buksan mo ang pinto, bilis!" sigaw ni Hav sa kakambal, habang yung dalawa naman ay inaalalayan si Manang. Kaya naman ako ang nahuli para protektahan sila mula sa likod. Kaunti na lang, aabutan na kami ng mga zombie na humahabol sa amin, at sobrang bilis nilang tumakbo.

Kaagad na kumilos ang dalawa nang makita nila ang sitwasyon namin, pero aabutan na nila kami. Kaya huminto na ako at nilabanan ang zombie na papalapit sa sasakyan namin, habang inaalalayan nila si Manang na papasok.

"Lun-what the fuck, Luna!" Sigaw ni Argus nang makitang medyo malayo ako sa kanila at nilalabanan ang mga zombie mag-isa.

Wala pang limang segundo nang makita kong nakikipaglaban na rin si Argus. Marami sila at dalawa palang ang napapatay ko. Agad kong sinipa ang isa at nang makakuha ng tyempo, agad kong hinatak si Argus at sabay kaming tumalon papasok ng sasakyan na agad na pinaandar ni Nicco. Pero laking gulat ko nang dumausos ako palabas ng sasakyan. May humahatak sa paa ko. Sinubukan kong umabot nang mahahawakan, pero wala.

"Argus!" Napahiyaw nalang ako sa pagkabigla.

"Damn it! Fuck!" Si Argus, na nahawakan ang braso ko.

Nilingon ko ang dahilan noon at doon ko nakita ang isang zombie na nakakaladkad dahil sa pag-andar ng sasakyan, at naka-hawak sa paa ko. Sinubukan kong pumalag sa hawak niya sa paa ko, pero walang talab. Ilang sandali lang, hindi ko na maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa paa ko. Natanggal na ito. Si Lian ang may gawa nito, na may hawak-hawak na baseball bat.

Hinila naman ako ni Argus at niyakap habang nakaupo kami sa lapag. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nangyari o dahil sa taong yakap ako ngayon.

Bigla nalang may yumakap saaming dalawa ni Argus nang mapalingon ako. Nakita ko si Mang Yolly na nag-aalalang nakatingin sa akin habang naka-yakap.

"Ayos ka lang ba, anak?" Ngumiti ako rito at tumango. Para naman siyang naka-hinga nang maluwag dahil dito, at hinaplos ang pisngi ko.

Ilang minuto pa ang hinintay bago kami nakakalma. Tumayo na ako at tinignan ang lalaking nakayakap sa akin kanina. Nakatingin ito sa akin, at ang mga mata nito ay may bahid ng emosyong takot at pag-aalala. Nginitian ko rin ito para iparating na ayos lang ako.

Pero imbis na ngitian ako nito pabalik, nawala lahat ng emosyong nasa mata nito kanina. Napalitan ito ng malamig na pagtitig na parang galit din siya.

"What the hell, Luna! You almost got yourself in trouble with what you did! Who told you to stay behind earlier? You're already far away from us, and you even fought those fucking idiots by yourself!" Nang gigil na sigaw nito, nagpaatras ito sa akin dahil sa gulat.

"Arden!" Si Manang Yolly, na sinasaway ang alaga.

"E-eh, k-asi ano-"

"What?! Huh?" Sigaw nitong muli na pumutol sa sasabihin ko.

Nanlalim ang mga mata ko nang sobrang galit ang kanyang itsura, naka-tingin sa akin.

"Pre! Wag mo naman sigawan si Valk," sabi ni Lian.

Kinagat ko ang labi at ilang beses na lumunok. Pakiramdam ko hindi na talaga maawat ang luha ko, kahit ilang beses pa akong huminga nang malalim bago tignan ang lalaking galit na nakatayo sa harap ko.

"K-kasi kung hindi ko gagawin 'yon, mapapahamak tayo. Maaabutan nila tayo nang hindi pa nakaka-abot sa sasakyan. Saka a-ang balak ko lang naman sana intayin kayong makalapit sa sasakyan saka ako hahanap ng tyempo para makasunod. A-ang hindi ko naman alam na g-ganun ang mangyayari, eh." Rinig at ramdam ko ang paghinga nito nang malalim, para bang pinapakalma ang sarili. Ramdam ko din na maayos na ang lagay namin at naka-labas na kami ng village dahil medyo umayos na ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Nicco.

Bigla ay hinatak ako nito nang marahan sa braso at inilapit sa kanya bago malambing na ipinulupot ang kanyang mga braso, payakap sa akin. Tuluyang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, at walang pag-aalinlangan kong ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. Rinig ko ang makailang ulit nitong pagmumura sa sarili.

"Hush, I'm sorry if I shouted at you, sorry, sorry."Malambing na saad nito, at naramdaman ko pa ang paulit-ulit na paghalik nito sa ulo ko.

Mas lalo ko pang binaon ang mukha ko sa dibdib nya at pinipigilan ang paghikbi, pero hindi ito mapigil. Marahan ulit ako nitong hinila at naupo sya sa sofa. Ngayon ay naka-tayo ako sa pagitan ng hita nya.

"Look at me, Luna" Hikbi lang ako nang hikbi habang naka-yuko, at pinilit kong hindi sya tignan. Sinubukan nya ding iangat ang baba ko para mapatingin sa kanya, pero hindi ako pumayag. Mulit itong napabuntong hininga, at sa gulat ko, hindi na ako naka-kilos nang hilahin ako nito paupo sa kanyang lap. Ngayon ay naka-harap din sa kanya.

Nang maka-bawi, imbis na mag-pumiglas at umalis sa pwesto, hindi din naman ako papakawalan nito. Muli ko na lang sinandal ang ulo ko sa balikat nya. Paharap sa kanyang leeg, ilang minuto lang ay parang tinamaan na ako ng pagod at antok. Hindi ko na rin namalayan na tuluyan na akong naka-tulog sa mga bisig nya kahit na puro dugo ako ay hindi ko an inintindi pa.

Nagising na lang akong nasa kama na at napapalibutan ng unan na para bang baby ang natulog at natatakot na mahulog ito o mauntog. Nakabihis narin ako nang bagong damit siguro ay si manang ang nag palit saakin. Nakarinig ako ng ingay mula sa mga kasamahan ko. Napatingin ako sa orasan nang makita sa bintanang madilim na at naka-hinto rin kami.

Kailan ko pang magluto para sa dinner namin. Mabilisan lang ang kilos kong nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na, pero napahinto ako nang makitang nag-aayos na sila ng lamesa at may luto na. Napansin naman nila ako agad.

"Nak, gising ka na pala. Naku, pasensya ka na at pinakialamanan ko na ang mga gamit mo. Ako na pala ang nagluto." Si Manang na unang nagsalita na may hawak-hawak na mga pinggan.

"Okay lang po." Nakangiti kong sabi dito, habang ang mga mata'y nag-niningning na nakatingin sa ulam na nasa lamesa.

"Valk, tara kai-" Natigil sa pag-aya si Lian nang agad akong umupo at parang batang na papalakpak.

"Menudo!" Masayang sigaw ko. Lagi kong sinusubukang magluto nito, pero hindi ko talaga ma-perfect. Laging maalat.

"Grabe ka, Valk. Hindi mo man lang ako pinatapos sa pag-aya sayo." Reklamo nito.

"Nagugutom na kasi ako saka menudo ang ulam." Nakalabi kong sabi dito. Rinig ko pa ang mahihinang pagtawa ng mga kasamahan namin at ang katabi kong nakangisi, habang pumapalupot sa bewang ko ang isa nyang braso. Yumuko ito para bumulong.

"My baby is hungry."Malambing na bulong nito, na nagpapainit ng pisngi ko.

"Parang may kamukha ka, anak." Si Manang Yolly na pinagmamasdan ako.

"Parang si Vale-" Hindi na'tinuloy ni Manang ang sinasabi nya nang mapatingin sya sa kambal. Umiling na lang sya.

"Yolly Perez nga pala ang ngalan ko, anak. Manang Yolly na lang. Maaari bang malaman ang pangalan mo, nak?" Kaagad kong tinanguan si Manang, na pinagmamasdan parin ako.

"Ako po si Valkyrie Luna Quillen!" Masaya kong pakilala sa kanila, na buo ang pangalan."

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon