chapter 15

256 24 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







"Bro, Arden! Valk!" sabay kaming napabaling sa pinto nang sasakyan nung may tumawag sa mga pangalan namin. Nakita namin doon si Rav na kagigising lang.

Naglakad ako palapit doon para makatakas sa hiya dahil sa nangyari. Ramdam ko naman ang pag-sunod nito sa likod ko.

"Gising na rin ba sila?" tanong ko.

"Yups," tipid na sagot sakin nito na parang wala pa sa wisyo.

Pumasok na lang ako para maihanda ang umagahan namin dahil maya-maya rin ay aalis na kami.

"So guys, sinong mag-lead ng prayer?" tanong ko sa kanila nang maka-upo na kaming lahat para sabay-sabay na kumain. Natigilan naman ang mga ito at nagkatinginan. Mukhang nagtuturuan pa.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila hanggang sa marinig kong nagbuntong hininga si Hav.

"Ako na lang," sumusukong sabi nito na para ding nahihiya.

Nang matapos kaming kumain, nagprisinta silang sila na lang ang magliligpit ng pinagkainan namin. Since wala na rin akong nagawa, hinayaan ko na lang sila. Naisipan ko na lang maglinis ng katawan at magpalit ng damit dahil naka-pang-tulog pa rin ako.

Dumeretsyo na ako sa banyo pagkatapos kong kumuha ng mga damit. Nang mayari, ay lumabas na rin ako at nakita silang nasa sofa.
Pinagmasdan ko silang lahat. Nang mapansin na sa tindig nila ay para silang mga business man na naka-suot ng mga simpleng damit. Na-curious tuloy ako. Hindi ko rin pala alam kung ilang taon na ba ang mga to.

Ako nga 21 na 1 month and 4 days nalang 

Lumapit ako sa kanila at walang hiya hiyang nagtanong, "Oi guys, ilang taon na kayo? Nag-aaral pa ba kayo o nagtatrabaho na?" Sabay-sabay silang napabaling sa akin.

"Ako 25, mag-26 sa August 26," Nicco.

"25 din, mag-26 sa November 11" Lian.

"26 na kami ni kambal, February 07 ang birthday namin, pare-parehas lang kami ng taon, pinanganak, nagka-talo lang sa months." Tumango-tango naman ako.

Nilingon ko ang isang tahimik at naka-cross arm pa yung isa, parang inaantay lagi na tanungin siya nang solo bago sumagit nang makitang lumingon ako sa kanya. Aba, tinaasan ako ng kilay.

"Ilang taon ka na saka kanilan birthday mo?"

"26, May 15" tipid na sagot nito na ikinasimangot ko.

Ang tino talaga, hindi man lang hinabaan ang sagot.

"Ang tatanda n'yo na pala," nasamid si Lian sa sinabi ko mula sa kinakain na pochi.

Kinidnap pa yung pochi ko!

"Hoy, grabe ka naman!" reklamo nito, maging ang iba ay narinig ko ring umungot dahil sa sinabi ko.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon