Chapter 23

45 6 5
                                    

Sabay kaming lumabas ng bahay ni Ate Hanna, habang ang mga kasama naming lalaki ay inaayos ang mga gamit sa loob ng bus at inilalagay ang mga gamit pati ang mga grocery na nakuha namin. Napalingon ako sa likod nang makita si Manang na may bitbit na mga kaldero at sandok.

"Hala, Manang! Para saan po 'yan?" tanong ko habang kunot-noo at nagtataka.

"Ah, ito ba? Sayang kasi kung hindi magagamit. Aba malay mo, magamit ko 'pag magluluto tayo sa pupuntahan natin," sagot niya habang naglalakad papunta sa sasakyan, kaya napakamot na lang ako sa ilong at sinundan siya ng tingin.

Natawa naman si Ate Hanna sa gilid ko. "Ganyan talaga ang mga matatanda, 'kaldero is life,'" sabi niya, sabay tawa ulit bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bus.

"Wala na bang naiwan? Lahat ba ng importanteng gamit nandito na?" tanong ni Nicco nang makalapit kami.

"Wala na nama—" naputol ang sagot ko nang sumingit si Manang.

"Ay, sandali lang! Nakalimutan ko yung 'sanse'!" bulalas niya at dali-daling bumalik sa loob ng bahay.

Awang ang labing napatingin ako kay manang habang nagmamadali siyang bumalik sa bahay. Narinig ko ang tawanan sa likod ko kaya't nilingon ko sila.

"Ganyan talaga si Manang, 'kitchen essentials is life,' kaya masanay ka na," sabi ni Lian, sabay tawa, habang ang iba ay napapailing na lang.

Maya-maya, bumalik na ulit si Manang na may bitbit na frying ladle na tinawag niyang 'sanse.'

"Oh, halina kayo nang makabiyahe na tayo," aya niya nang makarating sa harap namin bago pumasok sa loob ng bus. Sinundan ko naman siya papasok.

Pagpasok ko, agad kong nakita si Ate Hanna na nakasandal sa sofa ng sasakyan, mukhang inaantok pa, kaya kinakalabit ko siya.

"Ate, tulog ka na ulit. May kwarto dito," sabi ko sa kanya. Sumunod naman agad siya.

"Ang galing naman ng bus niyo, talagang ready na ready," sabi niya habang namamangha, kaya natawa na lang ako.

Hinahatid ko siya sa kwarto ng bus, tapos hinayaan ko na siyang makapagpahinga. Si Rav ang driver ngayon, at ang kapalitan niya ay si Nicco, habang si Liam, Hav, at Argus ay sinusubukang ma contact ulit sila tito para makakuha ng update.

Mahaba ang biyahe namin; sabi ni nicco ay aabutin ng 11 hanggang 15 oras, depende kung magkakaroon ng aberya. Kung wala naman, 11 oras lang daw talaga ang biyahe. Dahil biglaan at maaga ang gising namin kanina, medyo inaantok rin ako tulad ni Ate Hanna, kaya sinandal ko ang aking likod sa sofa. Maya-maya, dinalaw na rin ako ng antok nang hindi ko namamalayan.

Nagising na lang ako na nasa kwarto ako ni Death. Nang mag-ikot ako ng tingin, wala na si Ate Hanna sa kanyang pwesto sa kama kanina. Napansin ko rin na parang nakahinto ang sasakyan kaya nagmadali akong lumabas at nakita ko silang lahat nakapalibot na sa mesa. Nakaikot na rin paharap sa mesa ang driver at passenger seat kung saan nakaupo sina Rav at Nicco. Agad nila akong napansin.

"Valk, iha, gising ka na pala. Halika, kakain muna tayo ng almusal bago magpatuloy sa biyahe," Manang invited, which I responded to with a nod and a smile before sitting in the empty seat beside Ate Hanna, directly across from Argus.

“What time is it?” I asked, rubbing my eyes.

“It’s almost 8, Valk,” Hav answered.

Tatlong oras na rin mula nung umalis kami. Hindi ko lang alam kung gaano kami katagal nang nakahinto.

"Ilang oras na po tayong nakahinto?" tanong ko ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon