"Rie, ang tito Javier mo ito, kung narinig mo ito, sumunod ka. Nasa Pilipinas kami, puntahan mo ang address na sasabihin ko. Dadalhin ka niya sa Pilipinas. Sabihin mo lamang ang pangalan ko."Isinulat ko ang address na ibinigay niya. Kahit na nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko ba, hindi ko alam kung makikita ko si Daddy, pero ang sabi, naghanap siya ng solusyon sa gulong ito. Baka meron na siyang nahanap na lunas para sa virus.
"Tama, tama, pupuntahan ko siya. Baka meron na siyang gamot para sa virus. Saka ako babalik dito para hanapin si Daddy!"
Kaagad akong kumilos para kuhanin ang mga gamit kong naka-lagay sa hinanda kong bag. Noon, pinalitan ko lamang ang mga damit na naka-lagay doon ng mga damit na komportable kong suotin ngayon para mas komportable din akong kumilos.
Nang matapos, ay makailang beses ko din itong chineck, para masiguradong walang naiwang importante. Naka-ilang ikot na rin ako sa kwarto, tinitignan kung may naiwan pa akong piling ko, kasi meron pa.
Inilibot ko ang mata ko at napadako yon sa ibabaw ng bookshelf ko. Nakita ko ang kartolinang pinag-drawingan ko ng plano ko para sa sasakyan ko, at na-complete ko ito 7 months ago. Naisip ko 'to dahil madalas din naman akong wala sa bahay, para din pede na akong hindi umuwi kung sakali.
Kaagad ko itong inabot at pinagpag dahil nalagyan na ito nang alikabok. Hindi ko ito nasisimulan dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Itinupi ko ito nang maayos at inilagay sa isang ziplock para hindi mabasa o masira, katulad ng pinaglagyan ko sa iba pang mahahalagang papers noon.
Kaagad ko itong ipinasok sa backpack at inilagay sa folder na kasama ang iba pang papers. Nang makuntento, inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto na naging saksi sa pag-dadrama ko sa buhay, bago ko nilingon ang tatlong duffle bag at ang backpack ko na naka-lagay sa kama. Dinagdagan ko ito ng dalawang pang duffle bag, para kahit papaano ay marami-dami ang dala kong gamit at hindi na kailangan bumili pa. Sa isa kong duffle bag, nilagay ko ang mga tops ko; sa isa naman, ang mga pants at shorts; at ang isa ay para sa mga sapatos ko at mga jackets. Pinagsama ko na dahil dalawang sneakers shoes at apat na boots kung kaya't marami pang space.
Naghanda na ako sa pag-alis, pinasadahan ko ang suot ko sa salamin at binitbit na ang mga bag palabas. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng makakain sa byahe. Matagal-tagal rin ang byahe ko dahil nang i-search ko ito sa map online, nakita kong anim na oras ang byahe papunta roon sa mataas na lugar kung saan ito naka-locate kumbaga pa province ang vibe nang lugar an pupuntahan ko.
Kumuha lamang ako ng tinapay na pedeng palamanan at mga chips, mga biscuit at mga drinks na nakabote, at gatas. Binitbit ko rin ang stress reliever kong pochi at gummy bears na naka-garapon. Tapos ay napatingin ulit ako sa itaas, kung saan naroon ang mga kwarto. Bumuntong-hininga akong nilapag ang mga bag bago tumakbo papunta sa kwarto ni Mommy at Daddy.
BINABASA MO ANG
Dark Awakening (Rise of the living dead)
Acción"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."