chapter 20

313 26 14
                                    





Ilang oras na akong pa gulong gulong sa kama na kinahihigaan ko, pero hindi parin ako nakakatulog. Tuwing ipipikit ko ang mata ko ay ang senaryo kanina sa pagitan namin ni argus ang nakikita ko

"Yung first kiss ko! Wala na!" Sigaw ko, pero naka baon sa unan ang mukha.

Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina.

Pero ang lambot ng labi nya...parang gusto ko uli-

"Valk, ano ba! Baliw ka na ba!" sigaw ko muli dahil sa iniisip!

Di ko alam kung anong oras ako natulog, basta nagising na lang ako nang tingin ko ay magtatanghali na. Nag-ayos muna ako bago bumaba, at ang nakita ko ay si Manang na nagluluto at wala yung mga lalaki.

"Gising ka na pala, anak. Naku, hindi ka na nakakain ng breakfast kanina. Ang sarap kasi ng tulog mo."

"Ayos lang, Manang. Babawi na lang po ako sa lunch. Nasaan nga po pala sila?" tanong ko patungkol sa mga lalaki.

"Umalis sila para maghanap ng gas ng sasakyan at nagbabakasakali rin na makahanap ng gamit na makakatulong para ma-contact nila ang parents nila. Panigurado, parating na rin ang mga iyon."

Napatango-tango na lang ako at tumulong sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Sakto nang natapos kami, narinig namin ang pagtunog ng pagbukas ng pinto, at kasunod nito ang maingay na boses ni Lian. Agad akong lumabas ng kusina at sinalubong sila, may dala-dalang kung anu-anong gamit.

"Ang aga n'yo naman umalis! Di n'yo ko sinama," naka-nguso kong salubong sa kanila. Inabot naman ni Hav ang ulo ko saka nya ginulo ang buhok ko, na mas lalo kong ikinasimangot. Agad na tinabig nya ang kamay nya.

"Valk, kaya na namin 'yun. Saka gusto namin na makapagpahinga ka, baka sapakin pa kami ng isa jan pag inabala ka namin sa pagtulog mo" sabi ni Nicco. Tatanungin ko pa Sana to ng biglang nagsalita si manang

"Mga anak, nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Kumain muna kayo," sabi ni Manang na kakalabas lang ng kusina.

"Tara na, nagugutom na ako. At Manang, sabayan n'yo na rin po kami sa pagkain," sabi ng madaldal na si Lian, habang patungo sa kusina. Nang makalapit ito kay Manang, inakbayan nya ito at inaya, saka sila muling pumasok ng kusina.

Tulala ako habang kumakain ng pochi dito sa sala ng villa nila Argus. Matapos kaming kumain kanina, dito ako dumeretso para mag-isip-isip, habang ang mga lalaki naman ay dumeretso sa mga kwarto nila para maligo. Si Nicco naman ay naiwan sa kusina para tulungan si Manang, since nasa loob lang sya Ng sasakyan kanina dahil siya ang driver kanina habang sila Argus ang bumaba ng sasakyan para maghanap ng mga kailangan gamit

Mula sa pagkakatulala, bigla akong napatayo nang makarinig ng mga ingay mula sa labas. Binaba ko ang pochi na hawak ko sa center table at agad na hinablot ko ang katana sa tabi ng vase sa sala. Bago ako unti-unting naglakad palapit sa front door ng villa at dahan dahan ko itong binuksan. Sumilip ako, at ganun na lang ang gulat ko nang makita ang mga nagkalat na zombie sa harap ng villa, na naka-pasok na sa nakabukas palang gate.

Habang sinisilip ko ang mga ito, nakarinig naman ako ng yapak galing sa likod ko.

"Valk, ano-" agad kong sinenyasan si Nicco na tumahimik.

Unti-unti ko ulit na sinarado ang pinto ng walang ingay bago lumapit sa kanya.

"Nicco, samahan mo si Manang sa taas at sabihan mo muna syang wag lalabas. Tawagin mo na rin sila Lian," seryoso kong sabi sa nagtataka na nitong mukha.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon