chapter 13

268 24 2
                                    


Palabas na ako ng banyo pagkatapos ko maligo. Nakita ko silang lahat na hawak ang kanilang mga cellphone, at may pinagkakalikot sila dahil walang signal. Lumapit ako sa kanila habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang towel.

"Anong mer-?" hindi ko natapos ang sasabihin nang biglang humiyaw si Ravier sa gigil.

"Puta! Wala pa rin signal!" sabi niya at pabagsak na inilapag ang cellphone sa mesa, napa-iling naman ang katabi niyang kakambal dahil sa inasal.

"There's no signal, we can't contact our parents,"sabi ni Lian, na sinagot ang tanong ko. Pinalitan siya ni Nicco sa pagda-drive kanina para makaligo, pero ngayon ay nakahinto kami, hindi ko alam kung nasaan kami, parang private property ata ito na pinuntahan namin.

Inabot ko ang bag ko na nakasabit para makuha ang cellphone ko. Binuksan ko ito at walang signal nga, tulad kanina nang tumawag si Tito.

I looked at Argus as he put down his cellphone and sighed.

"Where are we going then? We can't just go back to our condos," Hav said, na namomoblema rin.

"Uh, where do you guys live? Where are your parents?" I asked them, and they exchanged glances, shaking their heads.

"Sa isang village lang nakatira ang mga parents namin. Kami naman ay may sari-sariling condo. Doon kami madalas umuwi, tapos nitong mga ten months ago, sabay-sabay na nagpaalam ang parents namin na may aasikasuhin lang daw pero lagi naman silang tumatawag at nag-uupdate sa amin. Minsan din ay nagpapakita sila, pero hindi nila nabanggit kung saan sila pumupunta at kung ano ang inaasikaso nila sa amin kaya hinayaan nalang namin. Pero kanina bago pa mangyari 'to, nakatanggap kami ng tawag sa kanila. Sabi nila ay nasa province sila, pero hindi na nabanggit kung anong lugar dahil biglang namatay yung tawag dahil nawalan ng signal," Hav explained.

"Parehas pala tayo, kaya ako nauwi ng Pilipinas dahil may tao rin akong hinahanap. Nasa probinsya daw siya, kaso hindi ko alam kung saang probinsya siya nandoon dahil nawalan din ng signal," kwento ko rin sa kanila.

"Pareparehas nga tayo, but wait? You just arrived back in the Philippines, so does that mean you're not from here?" Lian asked.

"I am from here, I was born here, but I was 13 years old when we went to another country for my mother's medical treatment. I only came back now because I'm searching for my tito here," I explained to them.


"Anyway, Valk, ang galing mo namang makipaglaban dun sa mga na-uulul na tao kanina. Hindi halata sayo dahil mukha ka pang innocent at mukhang hindi makabasag-pinggan. You even look like someone who needs to be taken care of," Lian said, na ikinatawa ko bago ikwento sa kanila ang lahat sa loob nang mahigit dalawang taong pinagdaanan ko sa ibang bansa.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon