Chapter 22

178 14 12
                                    

Halos maubos na namin ang laman ng mini mart na yun, naubos na din namin yung bag nalalagyan, kaya ang ending pati basket ng mini mart kasama namin sa van.

Pauwi na rin kami dahil baka kung maglibot pa kami ay abutin pa kami ng dilim. Yun lang mismong gasoline station ang napuntahan namin, nagtagal lang siguro kami sa pangunguha ng kung ano sa may mini mart.

Habang nasa byahe kami, katulad pa rin ng dati, walang nagbago. May mga hahabol sa sasakyan namin kaya minsan mabilis at mabagal ang takbo ng sasakyan namin, hanggang sa napadpad ang tingin ko sa isang sasakyan na naka-park. Nakita kong pinagkukumpulan ito ng mga infected na para bang may gusto silang makuha sa loob ng sasakyan na yun. Mukhang ako lang ang nakakapansin sa eksena na yun.

Tinitigan ko mismo yun para makita kung ano talaga ang nangyayari pero hindi ko talaga makita kung ano ang meron sa loob dahil sa anim na zombies ang nakapalibot sa sasakyan. Dahil mabagal lang ang takbo ng sasakyan namin, ay muli kong napagmasdan ng mabuti ang eksenang iyon at sa pagkakataon na yun ay nakita ko na ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga infected sa palibot ng sasakyan na yun—may babae.

"Buntis!" hiyaw ko ng makumpirmang babaeng buntis nga ang nasa loob ng sasakyan na yon.

"Ahhh!" humpas ang noo ko sa likod ng driver seat dahil sa biglang pagpreno ni Nicco.

"What the f*ck!" Nagulat ako sa malutong na mura ni Argus pero hindi ko na din napagtuunan ng pansin.

"Nic-Val- ano ba!" Hindi malaman ni Hav kung kaninong pangalan ba ang babanggitin nya pero ako, halos hindi na indahin ang pagkakaumpog at nagkukumahog na hanapin ang katana sa kung saang lupalop ko nailagay.

"Ano bang ginagawa mo Valk!?" salubong ang kilay na tanong ni Hav sa akin.

"May babae, babae buntis," hindi magkanda-ugagang saad ko habang aligaga pa ring hanapin yung katana.

Ayun! Sa wakas, nakita ko na. Akmang aabutin ko ang pinto ng van para buksan at makalabas nang may humawak sa kamay ko upang pigilan.

"Where are you going?" si Argus na salubong na rin ang kilay at mukhang galit na talaga siya. Naku, kanina pa ako may kasalanan sa mga ito, ah.

"May babae nga, may babaeng buntis iyon oh," sabay turo sa tinitignan ko kanina. Sabay na tumingin si Hav at Nicco sa tinuturo ko habang si Argus naman ay sa akin lang ang tingin na akala mo bigla nalang akong mawawala sa paningin nya bigla.

"Kailangan natin siyang tulungan! Baka kung anong mangyari sa kanya at sa baby nya!" nagmamadali kong sambit na may halong pakiusap na rin. Nag-aalala ako. Lumambot nag tingin sa akin ni Argus ng makita nya ang ekpresyon kong nakikiusap na.

"Hey baby, we'll help her, okay, but next time, please don't rush in without letting us know. You might get into trouble." marahan na sabi nito sa akin na kinatango-tango ko dahil sa sobrang taranta ay hindi ko na nasabi agad sa kanila.

Isang halik sa noo ang ginawad nito sa akin kung saan ako nauntog, bago senyasan sila Nicco at Hav na bababa kami para tulungan ang babaeng buntis.They took their weapons. Dahan-dahan kaming lumapit sa kinaroroonan ng sasakyan na yun at nagtagpo sa isang gilid.

"Let's make a plan, Luna baby. We'll distract the zombies while you help the woman get out and reach the van. Clear?" Napatango-tango na lang ako at humigpit ang hawak sa katana. Nag-handa na silang tatlo para sa pag-distract ng mga zombie na naka palibot sa sasakyan.

Ilang sandali pa ay nasa kanila na ang atensyon ng mga zombies. Ginamit ko ang pagkakataon na yun para makalapit sa kinaroroonan ng sasakyan ng babae. Nang makalapit, agad kong kinatok ang kotse pero mukhang natakot yata siya at napunta sa kabilang gilid habang hawak ang tiyan nya.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon