Chapter 4

256 22 0
                                    

Dumaan pa ang mga araw, patuloy pa rin sa pagkalat ang virus na tila lalo itong lumalala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumaan pa ang mga araw, patuloy pa rin sa pagkalat ang virus na tila
lalo itong lumalala. Pitong bansa na ang napapasok ng virus na ito. Sa siyam na araw lang, napansin ko ring humihigpit na rin dito dahil may nababalitaang may nakapasok ding daw na infected dito. At sa mga nagdaang araw na iyon, halos paulit-ulit lamang ang eksena ko: papasok sa umaga, pag-uwi, aabalahin ang sarili sa pagbabasa o kaya naman ay manunuod ng movies. Tuwing walang pasok naman, halos ganun din. Pag nabobored sa bahay, pumupunta ako sa Stellar Training Hub dahil doon lang naman ako madalas malibang. Dahil na rin sa dami ng pedeng subukan doon, may iba't ibang sport din sila. Actually, isang academy ito para sa mga gustong matuto ng iba't ibang activities. At sa limang taon kong sumasali doon, madami-dami na rin akong nasubukan. Katulad ng Martial Arts, Close Combat, tai chi sword, Krav maga, Fencing, Firearms training, Archery, Arnis, at higit sa lahat, ang paggamit ng katana.

Maayang lunch, bibisitahin ko si dad sa hospital at dadalhan ng lunch, since walang pasok ngayon. Na-suspend, alam ko ay dahil sa balitang may nakapasok sa ZV dito, o ano, pero nung lumabas naman ako kanina, parang normal na araw lang naman. Maraming tao sa park na naglalaro nung dumaan ako roon kanina, pero ang kakaiba lang, yung pag-sasarado ng mga nagtitinda kanina sa mga pamilihan. Halos ang grocery na lang at ilang pharmacy na lang ang naiiwang bukas. Malamang, dahil ito sa Virus, siguro ay binalaan na sila, at pinag-iingat.

Kaya naman, ng makita kong halos lahat ng tindahan ay papasara na kanina, dumaan na ako sa grocery at halos binili lahat ng nakikita roon. Mas ayos nang handa kaysa naman hindi. Naka anim na box at walong paper bag ng grocery ako kanina, umabot ng 33,000 pesos ang pinamili ko.

Sinigurado kong mga importanteng grocery ang pinakamarami. Nag-stock rin ako ng mga karne sa ref at mga ulam na hindi agad masisira, katulad ng mga canned goods. Dumaan rin ako sa pharmacy at bumili ng mga gamot.

Kung kaya naman, heto ako ngayon nagrerestock sa malaking ref namin, pero hindi pa rin kasya lahat ng pinamili kong pagkain na kailangan ilagay sa ref. "Kingina, kapagod hanep!" reklamo ko at tumatagaktak na ang pawis. Pero mas okay na talagang handa. Nakita ko nga si daddy nung nakaraan, parang chinecheck niya ang mga lock ng mga bahay, maging ang gate. Pinadagdagan niya ang mga lock nito. Hindi man niya sabihin, alam kong naghahanda rin siya.

Halos hindi nga ito mapakali kagabi habang kumakain kami at nakikinig ng balita, lalo na nang mabalita na may nakapasok na infected dito sa bansa. Pinipilit pa nga niya akong wag nang pumasok at manatili na lang dito sa bahay. Ang balak ko rin noon ay wag na sana pumasok para hindi na mag-alala si daddy, pero sakto namang inanunsyo na suspended muna raw ang mga pasok.

Kaya nandito rin ako ngayon sa bahay, ginagawa rin ang mga ginagawa niya, na sinisiguradong safe kaming dalawa.

"Ah, ang sakit ng likod ko!" sabi ko nang makaupo ako sa sofa. Magpapahinga lamang ako at magluluto at maliligo saka ako dederetso sa hospital para dalhan ng lunch si daddy para sabay kaming kakain. Nag-text na rin ako sa kanya. Nung una, ayaw pa niya, pero hindi na rin ako napigilan dahil sadyang makulit ang anak niyang mana sa kanya.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon