chapter 12

279 27 1
                                    

Napakunot ang noo ko nang biglang makarinig nang ingay, kahit na may idea na ako kung anong nangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napakunot ang noo ko nang biglang makarinig nang ingay, kahit na may idea na ako kung anong nangyayari. Katulad din nang sinabi ni tito, hindi imposibleng hindi maka-pasok ang mga infected sa Pilipinas, lalo na at pinapauwi sa mga bansa ang mga Pinoy, gayon din ang mga turista. Kaya siguro may mga nakaka-pasok na infected sa mga bansa dahil sa patuloy nilang pagpapapasok nang mga tao sa bansang ito.

Lumabas ako upang tignan kung ano ang totoong nangyayari, baka mamaya ay mali lamang ang hinala ko. Sumilip ako sa gate, nakita kong ganon din ang ginagawa nang iba ko pang kapitbahay. Napalingon ako sa pinanggagalingan nang ingay ng mga nagsisigawang tao na humihingi nang tulong.

Tama nga ang hinala ko, mga infected nga ang dahilan nito, kaya naman kaagad akong sumigaw, "Pumasok kayo sa mga bahay, mag-sipasok kayo sa bahay nyo!" Paulit-ulit kong sigaw, pero ang mga may hindi parin talaga nakinig at lumabas pa ang isang lalaki nang makita ang isang babae na hinahabol nang isa pang babae na infected na sinubukan kong pigilan gamit ang pagsigaw na huwag ito lapitan.

Kitang-kita ko ang pagbaling nang babaeng infected sa lalaki at ito ang biglang sinunggaban na ikinasigaw nang mga kabitbahay ko.

Mabilis akong pumasok sa bahay upang makuha ang katana ko, pero papalabas pa lang ako nang makarinig ng mga putok nang baril kaya napahinto ako at sumilip lamang. Hindi ko na itinuloy ang tuluyang paglabas dahil nakita ko ang ilang mga pulis at sundalo na nirerescue ang mga tao na hindi pa infected.

Agad akong nagtago sa kanila, ayoko pati ako ay sumama sa kanila. Nabuhay naman akong mag-isa lamang kaya imbis na lumabas para tumulong sa mga tao, pumasok na lamang ako ulit sa loob at nilock ang pintuan.

Agad kong sinilid sa bag lahat ng mga importante kong gamit na hindi ko pa nalalagay sa sasakyan. Sinuot ko ang mask ko sa mukha, na mata lamang ang kita gaya ng naka-gawian noon dahil laging natatalsikan nang dugo ang mukha ko.

Agad ko ring sinecure lahat nang lock nang bahay, hindi na ako pwedeng manatili rito. Kailangan ko nang umalis para mahanap din ang tito ko.

Nang masigurado nang ayos na ang lahat, sinilip ko muli ang labas para makita ang kalagayan roon dahil nahinto na rin ang putukan ng mga baril.

Wala na akong makitang pulis at sundalo, puro mga zombie na lang na patay ang naiwan sa kalsada. Agad kong hinanda si Death, ang sasakyan ko na pinangalan kong death kasi wala lang, trip ko lang.

Muli kong chineck ang lahat sa loob ni Death bago buksan ang gate. Dahan-dahan kong minaneho si Death palabas. Nang makalabas, agad rin akong lumabas para mai-padlock ang gate.

Habang nagmamaneho, ay patingin-tingin ako sa paligid, katulad sa bansang pinanggalingan ko ay para na rin itong dinaanan ng gyera. May mga sundalo at pulis rin akong nakikita na nilalabanan ang mga infected. Marami ring mga sasakyan ang nakakalat sa daan. Ilang sandali pa akong nagmamasid sa paligid nang bigla na lang may grupong lumabas mula sa isang restaurant. Ang daming zombie ang humahabol sa kanila. Nang lalong lumapit ang sasakyan ko, ay sumingkit ang mga mata ko nang makilala ko ang grupong ito.

Dark Awakening (Rise of the living dead)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon