Nakaupo ako sa harapan ng kotse ko habang nakatulala. Nandito ako mula sa view deck, kitang kita ko rito ang lugar. Dati, kami'y dalawa ni Daddy ang naka-tambay rito para panoorin ang magagandang ilaw ng city mula rito. Pero ako na lang mag-isa ngayon.Dito na ako madalas tumambay. Ang bilis din, hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Dalawang taon na nung magsimula ang lahat at mag-isa pa rin ako sa dalawang taong lumipas. Ganun nalang lagi ang eksena ko araw-araw. Gigising ako, maglalakwatsa sa kung saan, hahanapin si Dad, papatay ng mga zombies, pag nagutom, hahanap ng store ng pagkain, at kukuha ng makakain, dadalhin sa kotse, tatambay rito para dito kumain hanggang sa abutan ng gabi, tapos uuwi, kinabukasan ganun rin.
Nawawalan na ako ng pag-asa na makita pa siya sa dalawang taong lumipas. Hindi ako tumigil, pero halos nalibot ko na ata to. Wala parin, hindi ko parin siya makita. Minsan naiisip ko na baka wala na rin siya. Minsan naman iniisip ko na kung mahanap ko naman siya, ano ang gagawin ko? Magpapakagat na lang din ako sa kanya para parehas kaming kakain ng tao na hindi infected.
Madalas din akong makita ng mga sundalo noon na pumapatay ng mga zombie at pinipilit na sumama sa kanila para sa ligtas na lugar. Pero hindi ako sumasama at tinatakasan lang sila. Madalas nila akong matyempuhan noon pero ganun at ganun lang din, takas lang ang ginagawa ko hanggang sa hayaan na nila ako.
Ngayon, kapag nakikita nila ako, hindi na nila ako pinapakialamanan. Katulong rin nila ako madalas sa pagpatay ng mga zombies sa lugar na ito. Nalaman ko rin sa kanila na sa dalawang taon ay hindi lahat nang bansa ay napasok ng mga zombie, ilan lang dahil naagapan ito ng ibang opisyales nang mga bansa. Hindi rin sinabi sa mga mamamayan upang hindi ito magdala ng panic sa ibang mga mamamayan sa bansa. Nahuli ko lang na balita na mahigit sampung bansa lang ang napasukan ng virus kasama ang bansang ito, at simula noon, nawalan na ako ng balita kung ilang bansa pa ang may nakapasok na infected.
Sabi rin nila na ang malalapit lamang sa bansang ito ang mayroong mga infected virus. Noong sinabi nila 'yon, nagtanong na rin ako sa kanila kung ang Pilipinas ay ligtas mula sa virus. Sinabi nilang baka daw dahil malayo layo ang bansang iyon. Hindi rin sigurado, nawalan na rin kasi nang connection ang mga taong nasa bansang ito, ang mga taong nasa panig ng iba't ibang lugar, kung kaya't pahirapan kung paano makakasagap ng balita kung anong lagay ng ibang pang mga bansa.
Sakanila na rin ako kumukuha ng mga balita tungkol sa mga nangyayari. Kaya ngayon lamang malaman kong unti-unti na namang nawawalan ng control ang ibang mga bansa sa virus na ito at dalawang bansa na naman daw ang napasukan ng virus na 'to.
Kaya nga heto ako ngayon at nakatulala. Talaga bang wala pang solusyon sa virus na ito? Hindi pa rin ba alam ang lunas para mawala ang virus na ito? Dalawang buwan nalang mag-bebente uno na ako. Mahigit tatlong buwan nalang sana noon nung mag-nineteen na ako, kaso nangyari pa 'to. Tapos ngayon naman, mag-tatatlong birthday na akong mag-isa.
Nakahilata na lang ako sa higaan. Wala na akong mabasang libro. Nabasa ko na ata lahat ng nasa bookshelf ko...
"Anak ng! Yung libro na nilagay ko sa bag na pinapalagyan sakin ni Daddy ng gamit noon!" Hiyaw ko nang maalala ang limang pirasong aklat na hindi ko pa nababasa na inilagay ko roon, mahigit dalawang taon na.
BINABASA MO ANG
Dark Awakening (Rise of the living dead)
Action"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."