Nakababa na kami sa parking at tumakbo sa kotse agad, na pinatunog ni daddy 'yon. Nang maka-rating kami, binuksan ni daddy ang pintuan at, pinapasok na ako sa kotse. Sumunod naman si daddy, at nang akma na niyang isasarado ang pintuan sa side niya, bigla na lang kumagat sa braso niya."Dad! Fuck!" agad ko hinampas ng paulit-ulit ang kumagat sa daddy ko. Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang luha ko habang ginagawa iyon.
Natauhan lamang ako nang hinaplos ni daddy ang buhok ko at hinalikan ako sa noo nang paulit-ulit. Noon ko rin napansin na naka-sarado na ang pintuan ng kotse.
"D-dad,"my voice trembled as I called him.
"Luna, anak ko," malambing na tawag nito sa akin. Ngayon ko lang rin napansin na tinalian nya ang kanyang braso ng tela ng kanyang damit na kanyang pinunit.
"Daddy!" I couldn't hold back my sobs as I hugged him tightly.
"Mahal na mahal ka ni daddy, anak, lagi mo 'yang tatandaan, hm." Ayoko nito, ayoko. Hindi, wag ang daddy ko.
"M-mahal na mahal rin kita, d-addy k-ko. Please, wag mo 'ko i-iwan. Wag, iwa-n lun-a." Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak, habang naka-yakap sa kanya. Ramdam ko din ang luhang pumapatak sa balikat ko, galing sa kanya habang yakap-yakap ako.
Ilang sandali pa ang lumipas, nang tanggalin na niya ang pagkakayakap niya sa akin. "You need to leave, Luna, anak," umiling-iling ako sa sinabi niya.
"Ayoko, hindi kita iiwan dito. Ayoko, uuwi na tayo, 'di ba?" Nagsimula na namang magpatak ang luha ko.
Nagawa pa nitong ngumiti sa akin at pinunasan ang luha ko bago paulit-ulit na hagkan ang noo ko. "Hindi pwede, anak. Go now, you need to leave this place."
"Daddy!" desperadang tawag ko sa kanya na parang nagsasabing sumama siya, paalis sa akin. Hinawakan nito ang mukha ko at pinaharap sa kanya.
"Luna, anak, kailangan mong maging safe, okay? Hindi ka pwedeng manatili dito. Ayoko masaktan ka, anak ko, kaya sige na, umalis ka na, hm? Maging ligtas ka lang. Okay na si daddy, wag na wag mong pababayaan ang sarili mo, anak ko ha? Magagalit kaming dalawa sayo ng mommy mo. Mahal na mahal kita anak ko. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Please be safe, anak."
BINABASA MO ANG
Dark Awakening (Rise of the living dead)
Action"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."