Chapter 4

197 4 0
                                    

Vote, comment and please follow.

ASH'S POV

Montecillo University
Engineering Bldg.

Hindi magkamayaw sa sobrang daming estudyante ang tapat ng Engineering dept. Sumabay pa 'tong kasama ko na hila ng hila sakin papuntang unahan.


At ngayon nga'y malapit na kami sa harapan  kung saan mas kitang kita na namin ang gulo na nangyayari. Pero teka, tama ba tong nakikita ko?

Sya yung lalaki na nakita ko sa Store nung isang gabi lang. At dalawa sila?? na magkamukha? Sila na ba ang Montecillo twin?

Sobrang liit nga naman ng mundo, yung kinakatakutan ko nang makita nasa harapan ko na ngayon, at kambal pa sila. Kung ikukumpara higit na mas maamo ang mukha ng kambal nya na ngayon ko lang nakita, pero sa lahat ng aspeto hawig na hawig sila. Nakakamangha ang kakisigan nila.

"Nasaan na yung put*ng in*ng leader nyo? Naduduwag na ba sya at kayo lang ang nandito?" pasigaw na sabi nung isang kambal, na sa pagkakarinig ko'y Mike ang pangalan at yung isa naman ay si Matt, na nakatingin lang sa kanila.

Bago pa makasagot ang isa sa kabilang grupo, nahila na ni Mike ito at agad pinaulanan ng suntok. Nakakatakot ang hitsura nya ngayon, punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.

Nakasalampak na ngayon sa sahig ang lalaki at wala man lang ni isa sa kagrupo nito ang may gustong tumulong kahit na bakas din sa mukha nila ang matinding galit laban sa Montecillo Clan.

"Sa susunod na manggulo pa kayo at kumalaban sa sinumang kasapi mg Montecillo Clan, hinding hindi na nila makikita ang pagmumukha nyo ng buo!"

Nakakakilabot ang mga pangyayari, lahat ay tutok sa susunod na mga kaganapan. Alam kong hindi nila palalagpasin ang grupo na'to na grupo daw nung Harold. Kung sino man sya, mas nakakatakot kaya sya?

Hindi ko masikmura ang hitsura ng lalaki na binugbog, puro dugo ang mukha nito. Akmang aapakan sa mukha ni Mike yung lalaki ng biglang..

"Stoppp! Please.... Sto..pp!"

Hindi ko alam anong masamang elemento ang pumasok sa kukote ko bat ko yon nasigaw, hindi ko na kinaya ang nakikita ko. Lahat sila napatingin sakin. Pati si May, na nasa tabi ko nagulat sa sinabi ko.

Pero hindi nya ko masisisi, hindi ako sanay sa ganto at nakaka awa yung guy.

"Who the hell are you!?" sigaw pabalik ni Mike.

Nakatingin na sakin ang lahat, nanginginig na din ang tuhod ko. Unti-unting lumapit si Mike na ngayon ay mababakasan ng pilyong ngiti. Teka..tama ba tong nakikita ko nakangisi na sya ngayon sakin.

Nahigit ko ang hininga ko ng kwelyuhan nya ko.

"Mike, 'wag ang kaibigan ko!" naluluhang sabi ni May sa tabi ko.

Hindi man lang nakinig si Mike sa kanya at nasa akin lang ang atensyon nya na sinusuri ang mukha ko.

"Hmm.. I think..I know you!"

"Ash De Silva!" Whattttt!? Pano nya ko nakilala?

Nakangisi lang ito sakin at tila namamangha sa takot na nakikita sa aking mukha.

"Kasamahan ka ba nila?" tanong nya na agad kong ikina alarma.

"Noooo. Hindi ko sila kilala"

"Tumingin ka sa mga mata ko pagkinakausap kita!" pagalit nitong saad.

Dala ng takot tumingin ako sa kanyang mga mata, ang totoo'y sobra sobra ang takot na nararamdaman ko.

"Hindi mo sila kilala but you dare to stop me beating that asshole."

"Mike, you know what to do!" singit ni Matt na halata ang pagkabagot. Ngayon ko lang sya ulit narinig nagsalita.

"Bring him with us, let's go!" dagdag pa nito, bago umalis.

"Do you hear that.. kitten? Sumama ka samin kung ayaw mong malumpo at magaya sa kanila."

Agad ako nitong hinila paalis sa umpukan ng mga estudyante at lahat ng nasa paligid ko'y walang nagtatangkang tapunan ako ng tingin. Takot ang bumabalot sa mga mata nila.

Lord, ano po ba tong pinasok kong gulo.



Enjoy Reading!

HAPI_JD

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon