Vote, comment and please follow.
ASH'S POV
Montecillo Mansion
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa mga ingay at tunog ng mga gamit na nagkakanda-hulog mula sa kung saan. Naghilamos muna na ako at ginawa ang aking morning routines.
Sabado ngayon kaya paniguradong ang kambal ang may kagagawan ng mga ingay sa mula sa baba.
Bumaba ako ng hagdan suot ang oversized shirt na binigay sa akin ni May, ewan ko ba sa isang yon at nasa doseng shirt ata ang binigay sakin noong nakaraan. Marami ding mga oversized shirt ang regalo sakin ng kambal. Bagay daw kasi sakin ang oversized shirt, na tineternuhan ko naman ng maikling short para mas komportable.
Pagkababa ko nga ay agad bumungad sa akin si Nay Sonya na parang nagpipigil ng kanyang mumunting tawa.
"Magandang umaga, Ash!" bati nito sa akin.
"Good morning din po, Nay Sonya. Ano po pala yung mga nagkakagulo sa kusina? May bisita po ba tayo ngayon Nay na inaasahan?" kuryoso kong tanong.
Bungisngis at pigil tawa lamang ang sagot sakin ni Nay Sonya habang tinuturo ang kusina kung saan nanggagaling ang ingay. Agad ko itong tinungo at -hindi nga ako nagkakamali.
Nasa kusina ang kambal. Nagsusubok na magluto.
Ang hot nila!
Hapit na hapit sa kanila ang apron na suot samantalang mga nakahubad pang itaas naman at tanging boxer shorts lamang ang mga suot. Pffft!
Nakakapanghina!
Sa sobrang busy ay ngayon lang nila napansin ang presensya ko, kaya mula sa mga naka kunot noo nilang mga mukha habang nagluluto ay napalitan ito ng nagliliwanag na mga ngiti ng mapansin nila ko.
"Good morning, Kitten!"
"Good morning, Sweetheart!" bati nila, sabay halik sa aking labi.
"Nagugutom ka na ba, Kitten? Just wait for awhile malapit na din maluto itong mga hinanda namin para sa nag- iisa naming Prinsesa!" pilyong sabi ni Mike.
"Talagang pinaghandaan namin 'to, Sweetheart. Tingnan mo naman kung gano kasarap!" pagbibida naman ni Matt matapos iflex ang biceps.
Lord, Nakakabusog!
"Halata ngang pinaghandaan nyo ang pagluluto ngayon, mahirap din magluto ng Hotdog, Itlog at Bacon ha!" pigil tawa kong saad.
Natawa lang din ang kambal dahil sa mga pinaggagawa nila. Nakakatuwa na sila ang makikita ko sa umaga at sa paglubog ng araw. Nakakataba ng puso.
"But seriously, thank you sa efforts na ipagluto ako ng agahan!"
"Busog na busog na nga ko tingnan yang mga katawan nyo lagi pero mas nakakabusog pala pag pinagsisilbihan!" makahulugan kong sabi.
"Yun naman pala! Anytime, Sweetheart pwedeng pwede mo tong tikman! Hehe!" saad ni Matt sabay flex ulit ng biceps.
"Senyas ka lang Kitten Oh! Manginginig pa!" singit naman ni Mike sabay kindat.
"Naku kayo, tara na nga at kumain. Baka lumamig pa yang inihanda nyo!"
Montecillo Mansion
GarageMatapos naming mag agahan ay naisipan naman ng kambal na magbutingting ng kanilang mga sasakyan sa may garahe.
Nagsimula na silang maglinis at mag ayos ng kanilang mga sasakyan na kung tutuusin ay pwede namang ipagawa sa mga tauhan sa Mansion, pero dahil Sabado ngayon at wala namang ibang gagawin ay sila na ang gumawa.
Habang ako ay prenteng naka upo dito sa may tapat ng garahe na malapit sa garden. Tamang tama lang ang init ng araw na tumatama mula dito para maarawan ako at pagpawisan.
Aliw na aliw ako sa kakapanuod sa kanilang mag ayos ng sasakyan. Para silang mga adonis sa kisig ng katawan.
Namumula-mula ang kanilang mga mapuputing dibdib na basa at pawisan. Bakat na bakat na din ang mga naglalakihan nilang alaga dahil sa basa nilang boxer shorts. Mga muscles at biceps na nagfeflex sa bawat kilos. Shet! Huhu! Ang sarap!
"Pwede mong hawakan at tikman, Kitten!" mapang asar na sabi ni Mike habang nagpupunas ng kanyang kotse.
"Akala ko kami lang naglalaway pag nakikita ka Sweetheart, ikaw din pala samin!" banat naman ni Matt, sabay hagalpak sila ng tawa.
"Good boy na good boy na kami nito, Kitten! Reward later ha!" dagdag pa ni Mike sabay kindat.
Naiiling na lang ako habang nagpipigil ng tawa dahil sa kapilyuhan ng mga 'to.
Isang buong araw na naman 'to na puno ng kapilyuhan.
A.N: Short Update
Enjoy Reading!
HAPI_JD
BINABASA MO ANG
PSYCHO
Roman d'amour"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex scenes and self-harm. It is also a man-to-man theme. Please do not read if you are triggered by any...