Chapter 15

133 4 0
                                    

Vote, comment and please follow.

ASH'S POV

Montecillo Mansion

Three days since mangyari ang encounter namin ni Christine. Pinanatili lang ako ng kambal sa Mansion, hanggang sa maka-fully recover. Sila na daw bahala na mag-excuse sakin sa school. Si Aling Sonya ang nagaasikaso sa akin dito sa mga nagdaang araw. Parang naging pangalawang nanay ko na din sya dito sa Mansion.

And take note, namahinga lang talaga ko sa tatlong araw na yun. Walang sex na nangyari o anupaman, na talagang ipinagtataka ko sa kambal. Knowing them, matagal tagal ng tigang ang mga yun.

*Evil laugh

Hindi ko na din pinaalam kay Inay ang mga nangyayari upang hindi na sya mag-alala pa. Plano ko syang bisitahin sa mga susunod na araw. Ipapaalam ko na lang sa kambal para payagan nila ko.

Alas kwatro na ng hapon kaya naman mamaya-maya lang ay darating na din ang kambal galing sa school. Hindi ko pa din nakakalimutan ang 'Oplan seduce the twins' na napag-usapan namin ni May.

Aba! ang babaeng yun nagtext pa talaga sakin ng listahan ng mga need kong gawin para sa kambal. As if naman na magagawa ko ang iba dito, pang horny ang mga ibang nakasulat. Kupo! Medyo madami dami ito kaya sisimulan ko na ngayon, paunti-unti.

-

Abalang-abala kami ni Aling Sonya sa pagaayos ng mga sangkap ng niluluto kong Chicken curry, Bicol Express at Beef Steak na naaalala kong madalas din bilhin ng kambal sa school canteen kaya ito ang naisipan kong lutuin. Tama, ang ipagluto sila ay ang una sa listahan ko.

"Naku Ash, siguradong matutuwa ang mga Senyor nito sa niluto mong mga pagkain. Aba e lahat ay masasarap at talagang niluto ng may pagmamahal!" mahabang litanya ni Nanay Sonya na tuwang-tuwa pa.

"Pambawi ko po sa mga kambal ko, Nay Sonya!" sagot ko dito.

Sinabihan ko si Aling Sonya na kung maaari ay sa pangalan ko na lang ako tawagin at Nay Sonya naman ang tawag ko sa kanya, dahil para ko na din naman syang nanay.

Teka! tama ba yung sinabi ko? 'mga kambal ko' nakakapanibago sabihin pero may kung ano sakin na nagsasabing eto naman talaga ang tama kong sabihin. Na para sa akin ang kambal, ang Montecillo twins.

-

Tagaktak na ang pawis ko ng matapos maluto ang mga uulamin namin mamaya pag-uwi ng kambal. Napagdesisyunan ko ng maglinis ng katawan at magbabad muna sa bathtub na may strawberry scent habang hinihintay sila.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagbihis nako, isang oversized na damit ang suot ko at maikling short para makakilos ng maayos. After ko magbihis ay bumaba nako para naman mag ayos ng mga pagkain sa mesa. Mabuti na lang at pinapabayaan ako ni Nay Sonya namagkilos-kilos dito, nung una kasi ay ayaw nya kong pakilusin, kesyo baka daw mapagalitan sila ng mga Senyor.

Habang sinasandok ko pa ang mga natitirang ulam mula sa pinaglutuan nito ay may narinig na kong busina mula sa labas. Sakto! nandito na ang kambal. Ako na ang nagbukas ng pagkalaki laki nilang pinto para salubungin silang dalawa.

Agad akong natanaw ng kambal at banaag sa mga mata nila ang saya. Hinalikan ako ni Mike sa labi at ganoon din si Matt. Shett, ang bango nila, nakakaadik!

"How are you sweetheart?" bating tanong ni Matt.

"Hmm.. Maayos naman, kayo kumusta sa school?"

"Maayos din kitten. By the way, you look sexy sa suot mo." pagsingit ni Mike.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa kilig. Ano ba kayo!? Ako lang to.

"Wait ano yung naaamoy ko?" dagdag pa ni Mike.

"Pasok na kayo, naghanda ako ng pagkain natin!" masayang sabi ko sa dalawa.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ng kambal. Nagtungo na kami sa lamesa at naupo. Mahaba ang kanilang mesa ngunit mas pinili nilang maupo kami ng magkakatabi. Si Matt ang nakaupo sa kanan, ako sa gitna at sa kaliwa naman ay si Mike.

"You really cook for us, Kitten?" manghang sabi ni Mike.

"Ah, yes! Sige na try nyo na, niluto ko yung madalas kong nakikita na kinakain nyo sa school canteen."

Sinandukan ko muna sila ng mga pagkain bago ako nagsimulang kumain. After nilang sumubo ng mga food naprinepare ko ay natahimik sila at tila ninanamnam ang mga ito.

"How's the food? Masarap naman ba? Pasensya na kayo ha, hindi kasi ako ganon ka expert pang magluto." Nahihiya kong sabi sa kanila.

"No kitten, this is so delicious!" sabi ni Mike.

"Yes, it is! You really deserve to be called wife now!" dagdag pa ni Matt.

"Hehe! Salamat at nagustuhan nyo!"

"Ibig sabihin ba nito araw-

"Yes yes! mula ngayon ay ako na ang magluluto ng mga pagkain na gusto nyo, araw-araw." pagputol ko sa sasabihin ni Matt.

"It is the first time na may magluto ulit samin ni Matt since noong nawala ang Mom. You're really amazing, Kitten." sambit ni Mike.

Kahit nasa hapag kainan kami ay hindi nagpapigil si Mike at ginawaran ako ng halik sa labi. Magaan ang halik na yon. Nagdemand din si Matt ng kiss kaya kiniss ko din sya sa lips. Nakakataba ng puso. Ganito pala ang feeling na may nakaka appreciate kahit sa simpleng actions mo.

"Thank you, sweetheart!" sinserong wika naman ni Matt.

Bago pa mapunta sa kung saan ang tagpong ito ay tinapos na namin ang pagkain.

Checklist No.1
☑️ Cook for the twins.


A.N Short update, magsana-all muna tayong lahat kay Ash haha. Naaccomplished nya na ang number 1 sa list nya, ano pa kaya ang iba? hehe. 930 words.

Thank you sa support, everyone!


Enjoy Reading!

HAPI_JD

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon