Prologue

215 10 0
                                    

Montecillo University
School Parking Lot

Doble-dobleng kaba, takot at panginginig ang nararamdaman ko ngayon. Bukod pa dito ramdam ko din ang higpit ng pagkakahawak ng taong nasa harap ko ngayon sa panga ko. Nakakapanlumo.

Alam ko na kung saan mapupunta 'tong usapan, pero hindi ako makakapayag na maulit na naman ang ginawa nila sakin.

Mga baboy sila!

Mga baliw! Pati na rin ang buong angkan nila. Sisiguraduhin kong makakatakas ako sa kanila.

"Alam mo naman siguro na kahit saan ka magpunta ay kaya ka naming mahanap, right Ash?"

"And once na tumakas ka samin, hindi lang ikaw ang mapapahamak. Pati na rin ang tinuturing mong ina at mga kaibigan."

Dahil sa lakas ng koneksyon ng
kanilang pamilya, walang magagawa miski ang batas. Hindi ko na kaya ang mga pinaggaga-gawa nila sakin. Nagsimula na syang paghahalikan ang panga ko pababa sa aking leeg.

Mabilis ko yung iniwasan at sinampal sya sa mukha. Nginisihan lang ako nito, at sunod ko ng naramdaman ang pagsakal nito sakin.

"At kailan mo pa natutunang lumaban ha? Punyeta ka!"

"Hayop ka! Hayop kayong dalawa!" may pagtangis kong sabi.

"Buhay pa kayo ay sinusunog na ang katawan nyo sa impyerno, baliw kayong magkakambal!"

"Hell yeah! Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin Kitty. Lalo mo lang akong tinatakam ngayon." may pagnanasang saad nito.

"Parang awa mo na Mike! Please, gusto ko ng umuwi!"

"Walang uuwi kitty, sasabay ka sakin ngayon at pagbabayaran mo pa ang pagsagot sagot mong yan ngayong gabi!"

Bumunot ito ng cellphone sa kanyang suot na jeans at nagtipa. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ng isa pang halang ang kaluluwa.

"Asan ka na ba Mike!?"

Sa boses pa lang nito, kikilabutan na ang kahit na sino, kahit magkakambal sila ni Mike mas mataas ng bahagya si Matt at sobrang seryoso. Bawat salita nito ay batas.

"Nasa school pa bro, and kasama ko si Ash!"

"Dalhin mo na dito!"

"Yes, yes!"

Agad kong binaba ang tingin ko sahig ng parking lot na 'to. Kinakabahan ako sa mangyayari, pero mas dapat akong kabahan pag hindi ko sila sinunod. Buhay ng mga mahal ko sa buhay ang kapalit.

"Tara na Kitty, hinahanap ka na ni Matt. Namimiss na ata ang masikip mong butas." may pag ngisi nitong saad.

Agad nitong pinaandar ang dala nitong sasakyan, patungo sa Montecillo Mansion.



PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon