Chapter 13

155 4 0
                                    

Vote, comment and please follow.

ASH'S POV

Montecillo University

One week has passed since the failed escape plan, at sa mga nagdaang araw na yon ang dami kong changes na na-observe kay Matt. Mas naging kalmado sya tuwing kinakausap ko at mas naging mas sweet.

Sa loob ng isang linggong yon, hindi ko na mabilang ilang beses kaming nagtalik ni Matt. I also tried talking to Mike, but hindi pa din nya ko pinapansin. Nagpapa-baby. Nakakamiss din ang paglalambing ng isang yon, kahit madalas ay may kaunting sayad at pagkapilyo.


Monday ngayon at halos patapos na din ang Student Month. Ngayon ko balak, suyuin si Mike na madalas ko naman ng ginagawa kaso dinededma nya lang.

What if isurprise ko sya sa quarters nila mamaya?

Hinatid ako ni Matt sa school hanggang sa aking classroom, na agad umani ng mga bulung-bulungan lalo na ng maka-alis na si Matt.

"So, andito na pala ang oh so called 'Montecillo princess' ng MU!" maarteng turan ni Christine.

Hindi ko na sana papansinin si Christine ng hilahin nito ang braso ko.

"And who gave you permission na talikuran ako ha!? baklang ilusyunada!"

Naghiyawan ang buong classroom sa sinabi ni Christine samantalang napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan.

Malelate daw pala si May ayon sa isang kaklase ko na kaclose din namin, kaya minabuti kong 'wag silang patulan dahil ako lamang ang mag-isa. Akala ko'y okay na ang lahat ng magsalita ulit si Christne at agawin ang atensyon ng lahat.

"Attention! Attention! Attention, everyone!" eksaheradang pagsasalita nito sa harapan na akala mo ay kung sinong maganda.

"Do you know guys, Ash De Silva is now the certified new bitch of the Montecillo twin!?"

Nagpantig ang tenga ko sinabi ni Christine at napatayo ako sa aking kinauupuan.

"Christine, please stop. Hindi totoo yang sinasabi mo."

"Alin ang hindi totoo sa sinabi ko Ash? Kitang-kita naman ng lahat na kinakalantari mo ang kambal. Ilusyunada ka!" sigaw nito.

"Ang totoo nyan ay pagtapos ka nilang pagsawaan, itatapon ka na lang nila na parang basura, and worst, even in the university ipapakick-out ka!" dagdag pa nito na sinabayan ng malakas na pagtawa.

Tumulo ang luha ko sa harap ng maraming estudyante na nandito sa room. Hindi ako lalaban. Tama, mas mabuting iignore ko na lang sila. Lalabas na sana ko ng hilahin ulit ako papasok ng dalawang lalaking kaklase ko na malapit sa pinto. Utos ito ni Christine. Nagkagulo ang lahat at naglabasan sa classroom. Ang natira lang ay ang mga alipores nya at ang dalawang lalaki na may hawak sa akin.

"Bastos ka talaga ha!" isang malutong na sampal ang iginawad sakin ni Christine. Na sinabayan pa ng  pagsabunot nito at pagtadyak sa parte ng tyan ko.

"Let me remind you again, Ash De Silva-

"ako ang reyna dito at lahat ng nandito sa MU ay sunud-sunuran sakin. Ang twins? They are also MINE!" hiyaw nito sa mukha ko at isang malutong na pagsampal.

"Boys, turuan nyo ng leksyon dali. Iiwan ko na kayo dito para masundan ang mga classmates natin sa labas, tatakutin ko lang ang mga 'to for sure wala ng makakarating sa kambal!"

Paglabas ni Christine ay dito na ko sinimulang pagbubug-bugin ng dalawa kong kaklaseng lalaki. Pasa, mula sa suntok at mga tadyak ang iniwan nila sakin.

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon